LISTAHAN NG 11,103 GOVERNMENT-CERTIFIED MARTIAL LAW VICTIMS

More than 75,000 po ang nag-apply sa Human Rights Victims’ Claims Board (HCRVB). Dahil sa tight 2018 deadline nila sa ilalim ng batas na bumuo sa HCRVB, 11,103 applications lang ang na-approve na bigyan ng kompensasyon.

Bumoto sa batas na ito at nilagdaan pa ito ni Senador Juan Ponce Enrile noong 2013 bilang Senate President. Kaya walang choice si Enrile kundi aminin na mayroong at least 11,103 victims ng killings, torture, disappearances and illegal detention noong Martial Law. Baligtad sa sinasabi niya ngayong walang biktima noong Martial Law.

ANG BAGO PO NILANG SCRIPT: MASAMA DAW ANG DEMOKRASYA

Today po, napansin ko na naman ang bagong script ng mga trolls. Pare-pareho po ang sinasabi: “Bakit, ano ba ang kabutihan na dinala sa atin ng demokrasya?” Ayan po, malinaw na gusto nilang i-worship natin si Ferdinand Marcos Sr. at by extension, si Marcos Jr. Ang karanasan ng halos lahat ng diktadurya sa mundo, ay gumamit ng istratehiya ng pag-worship sa diktador. In other words, itinutulak sa atin ng mga supporters ni BBM ang political idolatry of the Marcos family.

ANG AUDIENCE AT PURPOSE NG FB PAGE KO

Bagama’t naging Punong-Mahistrado ako ng Korte Suprema, nag-decide akong gumamit ng nickname ko para sa aking unang facebook page: Meilou. Bakit? Dahil at that time last year when I was deciding on the fb name, napakaraming kabataan na nagiging close sa akin na tinatawag akong Tita, Ninang at Mommy. Nickname ko ang best na idikit sa mga prefixes na ito. Para naman sa gustong maalala ang fight ko for justice while I was in the Supreme Court, okay din na tinatawag akong CJ.

IPAGDASAL PO NATIN

Malinaw na walang kasagutan si Ferdinand Sr., si Imelda at si Bongbong noong tinatanong sila sa iba’t ibang hukuman kung saan nanggaling ang kanilang yaman. Hindi nila kayang sabihin sapagkat lalabas ang katotohanan: na nakuha nila ang mga ito sa ilegal na paraan. Iyan ang malinaw na desisyon ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017.