ISA PONG PAALALA NA KAILANGAN ANG DIRECT COMMUNICATION NG KATOTOHANAN SA MGA INDIBIDWAL, PAMILYA, GRUPO AT KOMUNIDAD
Ang lalaban sa fake news ay authentic stories ng authentic individuals. Handog ang katotohanan, sa Diyos sumasandig, gumagalaw sa lahat ng pagkakataon. Upang ipakita na sa katotohanan at hindi sa kasinungalingan ang pagbangon ng Pilipinas.
PARA SA MGA PINOY NA MALINAW ANG DIREKSYON NG KABUTIHAN NA NAIS NILA PARA SA BAYAN, BALEWALA ANG SURVEYS
Ang mahalaga ay ang pagbabalik ng direksyon ng bansa patungo sa Diyos at sa kabutihan—sa katotohanan, katarungan at katuwiran. Ang mga surveys ay namamanipula at nagagamit para sa mind conditioning, ngunit ang hindi matatawaran ay ang determinadong pagtahak ng landas para sa ikaaangat ng bayan.
A SURRENDERED LIFE TO GOD AND THE LAW
Naiisip ko na dahil sa pagpasok sa isip natin na ang religious rules ay hindi nakapagliligtas, naidikit natin yung konsepto na hindi ang mga rules ang pinakamahalaga sa buhay kundi submission.
Ang pagboto ay panahon na nangangailangan ng kabuuan ng ating talino at lakas.
Ang pagboto ay panahon na nangangailangan ng kabuuan ng ating talino at lakas. Hindi biru-biro ang kapangyarihang ipinahihiram natin sa mga mananalo, pagkat ang kakayanan nilang lumustay ng kaban ng bayan at lalong magpahirap sa ating buhay ay malinaw, kaya’t gamitin ang suyod upang makita kung ang mga kandidato nga ay peligro o kakampi ng bayan.
Eleksyon
Ang eleksyon ay bukod-tanging paraan upang palitan ang maraming mga abusado, ganid, tamad at walang kuwentang namumuno, at palitan ng mga taong huwaran sa pag-uugali, kakayahan, sipag at katapangan.
SA MGA HISTORIANS, ITO PO ANG REALIDAD
Lumalabas po mula sa maraming istorya sa akin ng ating mga kababayan, na dahil walang “interesting” content tungkol sa Marcos years at Martial Law na madaling ituro sa mga bata, gumamit ang mga Araling Panlipunan teachers ng kung ano ang makikita nila sa Youtube at Tiktok. At tinuruan na din ang mga estudyante na okay daw na sa format na yun manggaling ang mga research papers nila. Kaya nawalan ng abilidad mangilatis ng katotohanan versus kasinungalingan ang mga kabataan, pati na ang mga guro nila.
MGA KAIBIGAN, DISCERNMENT AND STEADY COURAGE PO ANG KAILANGAN
Maraming kababayan tayong uhaw sa katotohanan. Kaya’t ito ang ating ipag-ibayong sipagan: ang paglahad ng katotohanan. Tiyagain pong ipaliwanag sa bawat kaibigan at kaanak ang katotohanan. Huwag magpapasindak o magulat kung aatakihin kayo ng mga tunay na tao, pati mga kilala niyo, o ng mga strangers. Ita-try nilang pahinain ang loob niyo. Kasama po iyan sa sinasabing “psychological warfare.” At huwag magulat kung lalong dadami pa ang ipakakalat na fake news.
SINO ANG PERSECUTED CHURCH AT PARA KANINO SILA TUMITINDIG?
Ang church na komportable at nakadikit sa makapangyarihan ay mahirap sabihing persecuted church. At kung titingnan natin ang Bible, marami sa mga blessings na ipinapangako nito ay sa mga simbahang dumadaan sa pagsubok at persekusyon.
PANGINOON, TURUAN MO AKONG BILANGIN ANG AKING MGA ARAW
Kaingatan Mo ang aming mga araw, upang huwag humantong ang mga ito sa walang kabuluhan. Si Solomon na mismo, haring pinakamatalino, pinakatanyag at pinakamayaman ang nagsabing, lahat ng bagay sa mundo na hindi kasama ang Diyos, ay walang kabuluhan.
“CJ, HOW DO YOU WANT TO BE REMEMBERED, ANO ANG GUSTO MONG LEGACY MO?”
Kasasabi lang ng asawa ko, day by day, ang journey natin. Step by step. Walang preconceived expectations on how life would exactly turn out, except this: “all things God will work for good to those who love God and are called to be conformable to the image of His Son” (my paraphrase of Romans 8:28). Napakaganda, napakaayos, napakapanatag na maranasan ang walang-kagayang pagmamahal ng Diyos.