LESSONS NG SINGAPORE PARA SA MGA PILIPINO

Si dating Prime Minister Lee Kuan Yew ng Singapore ay may malinaw na pagtingin sa character ni Ferdinand Marcos, Sr. at ng kaniyang pamilya, at kung ano ang kailangang ayusin sa Filipino culture. Mababasa ito sa isinulat nyang aklat na “From Third World to First”.

AT LEAST 13 CRONIES NA ANG NANGUMPISAL SA PAGNANAKAW NI MARCOS, AT 5 COURT DECISIONS NA (3 SA PILIPINAS, 1 SA UNITED STATES, AT 1 SA SWITZERLAND) ANG NAGHATOL NA GALING SA CRIMINALITY O NAKAW ANG MALAKING BAHAGI NG YAMAN NG MGA MARCOS

Ang pangungumpisal ng cronies ay kasingbigat ng mga court decisions na nagsasabing galing sa nakaw na yaman o ilegalidad ang nakamkam ng mga Marcos. Imagine niyo po, at least 12 na ang nagsabi na huwag lamang silang ipakulong, ay magsasauli sila at tutulong sa gobyerno na bawiin ang mga ninakaw ng mga Marcos na nasa kanilang kamay, o tutulong sila sa pagsisiwalat ng iba pang gawain ng pagkamkam ng mga Marcos.