FORMULA NG MARCOS NETWORK, BISTADO NA PO

Ang ganitong pananaw ay kailangang pangimbabawan ng genuine people’s campaign na ang pinaglalaban ay katotohanan at katarungan. Ano’ng klaseng bansa ang hinuhubog ng panay imbento at spin?

AYUN NA NGA PO, 5 HOURS PA LANG MULA SA POST KO NA KAILANGANG MAKIPAG-USAP SA MGA INDIBIDWAL ATBP. UKOL SA PAGBUDOL-BUDOL NG NARATIBO NI MARCOS, UMAMIN NA

Ang napatunayan lang ng mga eredero ni Marcos ay ang husay nilang magtago ng nakaw na yaman ng kanilang magulang, ang katigasan ng puso nila sa pagtanggi na higit sa 11,000 victims ang Marcos Martial Law, at ang galing ng myth-making talent sa pamilya at kaalyado nila upang dalhin ang bansa sa nagbubukang bangin ng kapahamakan. Wala akong nakikitang redeeming value na gusto nilang itayo sa pagtakbo nila sa national elections, puwera lamang yung para sa kanila.

A SURRENDERED LIFE TO GOD AND THE LAW

Naiisip ko na dahil sa pagpasok sa isip natin na ang religious rules ay hindi nakapagliligtas, naidikit natin yung konsepto na hindi ang mga rules ang pinakamahalaga sa buhay kundi submission.