BAKIT HINDI NAKAKULONG SI IMELDA MARCOS?
Dahil wala pang Plunder Law noon at dahil lang nakapiyansa siya ngayon sa Criminal Conviction niya.
By Maria Lourdes Sereno
Uulitin ko po: Mayroon nang at least 5 court decisions at 13 confessions ng mga cronies o kasabwat na may nakakalulang mga nakaw na yaman ang mga Marcoses. Ang hindi pagkakakulong ni Imelda ay hindi pruweba na ang pamilya Marcos ay inosente. Wala ni isang court decision na nagsabing abswelto sila sa lahat ng charge ng pagnanakaw. Ang artikulo pong ito ay upang sagutin ang tanong na bakit hindi pa nga nakakulong si Imelda.
Nahatulan si Imelda Marcos ng Sandiganbayan noong 2018 na GUILTY OF 7 COUNTS OF GRAFT na may parusang 6 years each, or total of 42 years. Agad-agad siyang nagpiyansa kaya hindi na naituloy ang pagkakakulong sa kaniya. Mananatili siyang malaya hangga’t hindi pa naaaksyunan ng Korte Suprema ang kaniyang appeal. Ito ay kalayaang mula sa mga karapatan niya sa ilalim ng demokrasya na pinasinayaan ni Pangulong Corazon Aquino.
Bakit naman hindi nakasuhan si Imelda for plunder gaya ng Pangulong Erap Estrada at Gloria Arroyo? Under the Plunder Law kasi, dapat hindi bailable ang pagnanakaw ng mag-asawang Marcos. Ngunit hindi po sila maaaring kasuhan under the Plunder Law dahil 1991 lang po naging effective ang Plunder Law o RA 7080, at bawal sa ating sistema ng batas na bigyan ng retroactive effect ang mga criminal laws.
Eh, bakit hindi pinakulong si Imelda sa ilalim ng mga desisyon na nagsabing may nakaw na yaman ang mga Marcos sa ilalim ng 1955 Anti-Ill Gotten Wealth Act (Republic Act 1379)? Wala po kasing penalty of imprisonment para sa mga public officials na nagkamkam ng yaman na “manifestly out of proportion” sa kanilang lehitimong yaman. Ang penalty lamang po para sa pagkamkam ng ill-gotten wealth ay pag-forfeit sa pamahalaan ng mga assets na nakitang sobra-sobra sa kanilang lehitimong yaman.
Kaya nga’t si Congressman Alfred Vargas at si dating Ombudsman Simeon Marcelo ay parehong nagpanukala na amyendahan ang RA 1379 para isama ang penalty ng pagkakakulong sa sinumang mahahatulan na nagkamkam ng nakaw na yaman. Nasa link sa baba ang panukalang-batas ni Congressman Vargas at ang kampanya ni Ombudsman Marcelo na dapat nang amyendahan ang Anti-Ill-Gotten Wealth Law upang magkaroon ng penalty of imprisonment para sa public official na nagkamal ng ill-gotten wealth.
Kaya’t buong-lakas nating tulungang maluklok ang mga mambabatas na hindi na papayagang nakakalaya pa ang mga nagnakaw sa bayan. Buong tapang nating ipaglaban ang mga makatarungang batas at ang pag-iimplement nito na hindi pinapaboran ang mayayaman at makapangyarihan. Kailangang gawin natin na election issue ang paglaban sa corruption kung nais nating mapabuti ang kinabukasan ng mga kabataan.
Kaya’t hindi rin natin dapat tigilang tanungin ang PCGG, OSG at Ombudsman kung ano ang ginagawa nila upang huwag na muling maulit ang malawakang nakawan na nangyari sa panahon ng mga Marcos.
Ito po ang mga links:
Imelda filing bail and Sandiganbayan accepting the same.
https://cnnphilippines.com/…/Imelda-Marcos…
REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY
PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE
PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955
https://www.ombudsman.gov.ph/…/Republic_Act_No_1379.pdf
REPUBLIC ACT NO. 7080
AN ACT DEFINING AND PENALIZING THE CRIME OF PLUNDER, July 12, 1991
https://drive.google.com/…/1xb1…/view…
Congressman Alfred Vargas’ proposal to put in imprisonment as penalty in RA 1379:
HOUSE BILL NO. 7402 – PENALIZING THE ILLICIT ENRICHMENT OF PUBLIC OFFICIALS QND EMPLOYEES FOR THE ACQUISITION OF PROPERTIES THROUGH UNLAWFUL MEANS.
https://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB07402.pdf
Ombudsman Simeon Marcelo’s proposal to penalize by imprisonment the mere acquisition of ill-gotten wealth in RA 1379, wherein the length of the penalty of imprisonment should depend on the amount/value of ill-gotten wealth amassed; thus, the higher the amount/value of ill-gotten wealth, the longer the term of imprisonment.
https://news.abs-cbn.com/…/acquiring-ill-gotten-wealth…
Labintatlong kasabwat ni Marcos na ang nangumpisal at limang Court Decisons na ang naghatol na galing sa criminality o nakaw ang malaking bahagi ng yaman ng mga Marcos.
AT LEAST 13 CRONIES NA ANG NANGUMPISAL SA PAGNANAKAW NI MARCOS, AT 5 COURT DECISIONS NA (3 SA PILIPINAS, 1 SA UNITED STATES, AT 1 SA SWITZERLAND) ANG NAGHATOL NA GALING SA CRIMINALITY O NAKAW ANG MALAKING BAHAGI NG YAMAN NG MGA MARCOS | TugmaLahat
Kung walang ninakaw, walang isasauling assets ang mga kasabwat.
KUNG WALANG NINAKAW, WALANG ISASAULI NA ASSETS, AT WALANG IKUKUMPISAL ANG CRONIES NI MARCOS | TugmaLahat