#TugmaLahat:

Hindi Maaari na Anumang Kataga sa Bibliya ay Gamitin upang Isulong ang Agenda ng Mga Magnanakaw, Sinungaling at Mamamatay-Tao

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Pwedeng maabuso ang scriptures para i-promote ang sariling agenda.

Naipakita nga sa encounter ni Jesus kay Satan during Jesus’ 40-day fast that even the devil can quote scripture. Basahin niyo po ang twice na paggamit ni Satan ng scriptures para tuksuhin si Jesus na i-abandon ang Kanyang misyon – Matthew 4:1-11, Mark 1:1-12, at Luke 4:1-13. Ano ang panangga ni Jesus? Scripture din!

Paano madi-distinguish ang devil na nagquo-quote ng scripture at ang follower ni Jesus? The devil refuses to obey God. Samantalang ang follower ni Jesus, dahil sa love and holy fear of God, obeys Scripture. (John 14:15)

Kaya’t kapag sinasabi ni Jesus na mahalaga ang justice at righteousness, then ipaglalaban ng follower Niya ang justice and righteousness (Matthew 23:23). Walang duda o pag-aalinlangan, ipaglalaban ng isang seryosong Kristiyano ang katotohanan, kabutihan, katarungan at katuwiran. Ang devil, gagamitin ang certain parts of Scripture to produce disobedience against God.

Ano ang mga ginagamit ng devil na scriptural passages para isulong ang agenda ng evil?

1) “Kahit ganung kalaki ang ninakaw (kasalanan), patawarin mo kung Kristyano ka at huwag ulit-ulitin na banggitin ang pagnanakaw.” —Mali po ito kasi ang ganitong pagto-tolerate ng great evil ng mga pinuno ang nagdadala ng sumpa sa bayan. Ang kasalanan ay sa bayan kaya kailangang ikumpisal at isauli sa bayan ang anumang ninakaw, kahit galing pa ito sa magulang. Ang paggamit ng scriptural passages para suportahan ang mga pinuno na nag-aadvance ng agenda ng pagnanakaw, pagsisinungaling at polisiya ng malawakang pagpatay ng tao ay devilish.

2) “Mag-submit ka lang at ipag-pray mo na lang ang masamang pinuno, otherwise rebelde ka.” —Lahat ng prophets sa Old Testament, pati si John, Peter, Paul, James at mismong si Jesus ay sumalungat sa mga powerful at rich na abusado. Yang twisted interpretation ng Romans 13 ay centuries nang ginagamit ng mga powerful para i-oppress ang taumbayan. Iyang ganyang manipulasyon ang madiing kino-condemn sa Ezekiel at Isaiah. Hindi tayo nagrerebelde sa Diyos, kundi faithful tayo sa Bible at sa Konstitusyon kapag nagko-call out tayo ng accountability ng present at candidate public servants for their unrighteous behavior (Isaiah 1:17; Article 11, section 1, Constitution).

Huwag magpaapekto sa mga nagsasabing ang pagpo-point out ng facts ay hindi maka-Kristiyano.

Ano ba ang Bible kundi isa ring koleksyon ng mga kwento ng pagko-call out ng pang-aabuso ng mga powerful sa weak? Iyan ang isang mapagpalayang aspeto ng ating pananampalataya. Ginawad tayo ng Diyos na ambassadors ng message of freedom ng Kaniyang kaharian, here on earth as it is in heaven, sabi nga ng Lord’s prayer. If we are praying for justice, but without actually seeking it by promoting it in any way we can here on earth, baka po escapism from reality at hindi contending for the faith of the saints ang sinasabuhay natin. Worse, baka pareho rin ang reason natin for using scripture gaya ng devil, to advance the agenda of the kingdom of darkness.

Si Shakespeare ang literary genius na nag-popularize sa masa ng katagang “even the devil can quote scripture.” Pakinggan natin siya:

“The devil can cite Scripture for his purpose.
An evil soul producing holy witness
Is like a villain with a smiling cheek,
A goodly apple rotten at the heart.
O, what a goodly outside falsehood hath!”
(from William Shakespeare, The Merchant of Venice)

Walang dahilan upang ang kahit sinong Kristiyano ang gumamit ng biblical passages para pagtakpan at isulong ang kasamaan, o busalan ang bibig ng mga humihingi ng katarungan sa libu-libong namatay sa Marcos Martial Law at sa daang bilyong ninakaw na yaman ng bayan ni Pangulong Marcos. Ang Bibliya ay ginagamit para isulong ang katotohanan at kabutihan, hindi ang personal political preference. 

SHARE