#TugmaLahat:

Ang Taong may Takot sa Diyos, Buong Lakas na Pipigilan ang Anumang Panloloko sa Kapwa

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Katungkulan ng mananampalataya na pigilan ang panloloko, lalo na ang mga paniwalang nakakapangbudol sa kapwa.

Ngayong itinanggi na ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang presensya ng ginto sa buhay niya, hindi pa daw siya nakakakita nito, dapat manguna ang lahat ng:

  1. Simbahan, fellowships, faith ministries, pastor, pari at ministro na sabihing “WALANG MALAKIHANG GOLD” ang mga Marcos at huwag umasa, makilahok o magpakalat sa anumang kwento na mamamahagi ng yaman ang mga Marcos kapag si Bongbong o Marcos Jr ang manalo sa Mayo 2022;
  2. I-rebuke ang lahat ng nasa faith community na isinusulong ang kasinungalingang iyan, pati na ang mga teachers, barangay at community leaders, vloggers, influencers o nagshe-share at nagla-like ng mga pekeng istoryang iyan;
  3. Matuto sa episode na ito, na ang role ng Kristyano ay truth-teller sa lipunan at hindi nagpapakalat ng budol-budol.

 

In all soberness, we need to repent for the spirit of lying that the church has not prayed and spoken/acted against. In fact, maraming sectors sa church ang tumulong sa pag-strengthen ng spirit of lying and deception.

Mga kapatid, mga kaibigan, ulit-ulitin po natin sa mga kabataan na hindi mananaig ang kasinungalingan kaya’t dapat po truthful tayo sapagkat God of Truth ang sinasabi nating pinagsisilbihan natin. Sa libu-libong Pilipino na napaniwala sa benepisyong idudulot daw ng yaman ng mga Marcos, kailangan po silang palayain. Parang captives din po sila ayon sa Luke 4:18 na misyon nating lahat na dapat pong palayain.

Let’s pray po na nasa homilies at preachings at bible studies natin ang importance ng honesty at ang sad episode ng Pilipinas na dumaan tayo sa pangbubudol ng kwento ng Tallano o Marcos gold.

SHARE