TIMELINE NG PANTASYA UKOL SA YAMAN NA IPAMIMIGAY NG MGA MARCOS
By Maria Lourdes Sereno
Binubudol-budol po ang mga Pilipino para pagtakpan ang pagnanakaw ni Ferdinand at Imelda Marcos sa dami ng fake news na ipinakalat ng supporters nila sa socmed. Dahil dito, nalito ang marami at nag-isip na baka si Marcos pa nga daw ang nagpondo ng mga projects sa Pilipinas, at umaasa na ibabalik ang yaman nila at ipamumudmod sa taumbayan, lalung-lalo na sa mga supporters ni Bongbong.
Basahin lamang po ang timeline na ito, buksan ang links, at kaagad ninyong maiko-conclude na budol-budol lamang ang ginawa para pagtakpan ang napakalaking kasalanan ng mga Marcos sa bayan na dahilan kung bakit tayo naghihirap hanggang ngayon.
๐ฃ๐ฟ๐ฒ-๐ฆ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ต ๐ง๐ถ๐บ๐ฒ
Mayroong mga ikinalat na fake news na ang Tallano Royal Family daw ay ang mga kamag-anak ng mga European royalty na nagmamay-ari ng buong Pilipinas, kasama na ang Spratlys at Sabah. SOBRANG FAKE PO ITO. Lahat ng historians ng Pilipinas, at ang mismong history book na approved ni Marcos ay nagsabing mga hiwa-hiwalay na mga barangay na may datu o pinuno ang naninirahan sa Pilipinas noon. Lahat ng historians ay nagsasabi na walang isang naghahari o nagmamay-ari ng Pilipinas. Ang fake news ng Tallano family po ay kumakalat sa internet bilang Youtube video.
๐๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฝ ๐ธ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐
Kasama po ito ng pekeng kwento tungkol sa Tallano family. Dahil daw sa laki ng kaso ng lupa na naipanalo ni Marcos bilang abugado, binigyan siya ng 7,000 tons of gold ng Tallano family. Imposible po ito:
(1) wala pong ganung kalaking gold ang sinumang pamilya sa Pilipinas, napasinungalingan na po iyang Tallano gold ng maraming experts sa gold production;
(2) ang titulo sa lupa noon ay maaari lamang ibigay ng Spanish government, then later, ng American authorities, kaya hindi maaaring manggaling sa Tallano family;
(3) Si Marcos po ay kumuha ng bar noong 1939, at maaari lamang mag-practice ng abugasya noong 1941, matapos siyang ma-acquit sa Nalundasan murder charge. So, hindi probable na may ibinigay na malaking kaso sa kanya noong 1940โs;
(4) Giyera na noong 1941-1945, kaya wala nang court trials na maaaring maglitis ng ganitong kaso. Obvious po na fake, ano?
๐ญ๐ต๐ฐ๐ต โ ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฒ๐๐ ๐ ๐ฒ๐ป ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ช๐ผ๐ฟ๐น๐ฑ
May kumakalat din na fake news na noong 1949, si Marcos at ang isang Fr. Antonio Diaz ang two richest men in the world. Naku po, 32 years old lang po si Marcos noon, at katatapos pa lamang niyang magsilbi bilang abugado ng pamahalaan for 3 years, kung saan mababa ang sweldo. Ito po ang simula ng kaniyang unang term bilang kongresista, at hindi po siya kilalang napakayamang kongresista. Wala pong maaaring panggalingan ng yaman si Marcos sa panahong iyun. Kahit saliksikin niyo pa ang lahat ng credible na listahan ng mga richest people in the world, wala si Marcos doon. Ang meron ay isang pekeng website na hindi natin alam kung sino ang nag-set9up. Hindi po madaling mapa take-down ang fake website. Kailangan po ng matitinik na forensic investigators para mai-take down ito, ngunit malinaw po na ang prino-promote nito ay ang pantasya ng origin ng yaman ng mga Marcos, at ang pangakong ipamamahagi ang yaman ni Marcos, at paniwala ng marami, kung mananalo si Bongbong sa pagkapangulo.
๐ญ๐ต๐ฑ๐ฐ โ ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ก๐ฒ๐๐ ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ ๐ฆ๐๐ถ๐๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ธ ๐๐ฐ๐ฐ๐ผ๐๐ป๐๐
False po ang sinasabi ng isang vlogger at isang blogger na in 1954, ay nagbukas si Ferdinand at Imelda Marcos ng secret bank accounts. In 1954, 37 years old pa lang si Marcos, hindi nakikitaan ng nakakalulang yaman. Bagong kasal po sila at walang travel history sa Switzerland kung saan sinasabing nagbukas sila ng secret bank accounts. In fact, ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ฝ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฌ๐ฏ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐ผ๐๐ ๐ฑ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ, ๐ถ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ผ๐ป๐น๐ ๐ถ๐ป ๐ญ๐ต๐ฒ๐ด, ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐, ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด-๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ป ๐๐ถ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฎ๐ ๐๐บ๐ฒ๐น๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐น๐น๐ถ๐ฎ๐บ ๐ฆ๐ฎ๐๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฒ ๐ฅ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ถ๐๐ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ธ ๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐ผ๐๐ป๐๐.
Malinaw na gustong i-sanitize o pabanguhin ng vlogger at blogger na ito ang mga Marcos, para kunwari, napakayaman na nila bago pa mag-presidente si Marcos at hindi sa pangungulimbat nakuha ang kanilang nakaw.
๐ญ๐ต๐ฑ๐ฑ โ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ ๐๐น๐น-๐๐ผ๐๐๐ฒ๐ป ๐ช๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต
Dito unang isinabatas na idedeklara na ang assets ng isang public official na nakitang hindi proportionate o walang pinanggalingang lehitimong source gaya ng sweldo at ibang assets na lehitimo, ay idedeklara na nakaw na yaman. So applicable na po ito kay Congressman Marcos. Kaya nung naging effective na ito nung 1955, dapat sa susunod na deklarasyon ni Marcos, ay naghayag na siya ng kaniyang totoong yaman. Ang penalty po nito ay ang pag-forfeit ng assets sa pamahalaan, wala pong kaakibat na pagkakakulong. Ang penalty of imprisonment po ay sa nagta-transfer o tumatanggap ng ill-gotten wealth.
๐ญ๐ต๐ฒ๐ฑ โ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ ๐จ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ข๐ฎ๐๐ต ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ต๐ฃ ๐ญ๐ฎ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฒ๐๐ ๐ผ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ก๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐บ๐ฒ๐น๐ฑ๐ฎ
Noong 1965, pag-upo niya bilang pangulo, nag-deklara si Marcos under oath na PhP 120,000 lang ang total na yaman niya. Simula po noon until 1985, wala ni katiting na sinabi siya tungkol sa ginto, lupa o Swiss accounts na pinanggagalingan ng lehitimong yaman niya. At wala rin po ni isang paliwanag na ibinigay si Imelda o ang mga anak ukol sa nakakalulang yaman nila.
๐ญ๐ต๐ฒ๐ฑ – ๐ญ๐ต๐ด๐ฑ โ ๐จ๐ฆ๐ ๐ฑ ๐๐ผ ๐ญ๐ฌ ๐๐ถ๐น๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ถ๐บ๐ฎ๐๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐ ๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ผ๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐.
Hindi po galing sa 7,000 metric tons of gold ang nakaw na yaman ng mga Marcos, per Salonga. Kundi galing sa pang-aabuso ng kanilang kapangyarihan. Basahin nyo po ang paliwanag ni Senator Salonga sa earlier post ko kung paano nagnakaw si Marcos. Panoorin nyo rin po ang maikling video na galing po sa isang expert group na nagpapakita kung gaano kadami ang 8,000 tons of gold, na total gold reserve ng US Federal Government. Kaya po imposible ang claim na may 7,000 tons of gold si Marcos. Ano sya, kasing yaman ng US government? May video link po sa baba na 8,000 tons of gold lang ang pag-aari ng US government. Sobrang budol-budol po yan.
๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ญ โ ๐ฃ๐ต๐ฃ ๐ญ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ-๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ, ๐ฃ๐ต๐ฃ ๐ญ๐ฎ๐ฑ ๐ฏ๐ถ๐น๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ฟ๐ฒ-๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ผ๐
Ano po ang resulta ng paghahabol ng nakaw na yaman sa mga Marcos? Meron na pong mga nabawi, sabi ng PCGG totaling PhP 174 billion na po:
ย Idineklara ng Korte Suprema na nakaw na yaman ang hindi maipaliwanag na assets na hawak ng mag-asawang Marcos beyond USD 304,372.43.
ย Nangumpisal ang hindi bababa sa 12 cronies o kasabwat ni Marcos sa pangungulimbat nila o pangnanakaw sa bayan gamit ang utos at awtoridad ni Marcos;
ย Nai-surrender mismo ni Gng. Marcos sa pamahalaan bilang settlement sa isang Hawaii case;
ย Na-sequester na specific assets at hindi naipakita ng napagkunan ng assets na iyon na lehitimong kanila at hindi nakaw sa bayan;
ย Nahatulan ang mga assets na kabahagi ng nakaw na yaman.
Sabi po ng PCGG naibigay na ang assets na ito sa:
(a) farmers under the Comprehensive Agrarian Reform Program;
(b) human rights victims, at
(c) Coconut Levy Trust Fund. Sabi po ng Human Rights Victimsโ Claims Board, nag-award na sila ng compensation sa 11,103 human rights victims, at marami pang hindi natapos ang pag-proseso. Ang present PCGG po ay under kay Pangulong Duterte.
Ito po ang mga links ng paliwanag ko sa mga bagay na iyan:
ย US Government owns only 8,135 metric tons of gold as of 2012.
https://youtu.be/kSWiMUL3c2g
(Excerpt from the video “ALL THE GOLD IN THE WORLD” by Junius Maltby.)
Ang paliwanag ni Senator Jovito Salonga sa U.S. Government ukol sa lehitimong income ni Marcos
ANG PALIWANAG NI SENATOR JOVITO SALONGA SA U.S. GOVERNMENT UKOL SA LEHITIMONG INCOME NI MARCOS, YUNG LAMPAS DUN, NAKAW | TugmaLahat
2021 PCGG report (Duterte Presidency na) on recovery of Marcosโ ill-gotten assets from 1987 to 2021, at saan napunta:
end-2020:
https://drive.google.com/…/1-lnDpi1Zb5yDn9djc9j…/view…
Freedom of Informationย https://www.foi.gov.ph/…/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbn…
List of cronies
KUNG WALANG NINAKAW, WALANG ISASAULI NA ASSETS, AT WALANG IKUKUMPISAL ANG CRONIES NI MARCOS | TugmaLahat
Mga Supreme Court final decisions na nagsabing may nakaw na yaman ang mga Marcos:
2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708
2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/54791
2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728
Previous posts ko tungkol sa fake Tallano gold story:
Totoo po ba na may Tallano family, na King ng Maharlika, na nagbigay ng mga lupa at ginto kay Ferdinand Marcos Sr. na ugat ng yaman ng mga Marcoses? TOTOO PO BA NA MAY TALLANO FAMILY, NA KING NG MAHARLIKA, NA NAGBIGAY NG MGA LUPA AT GINTO KAY FERDINAND MARCOS SR. NA UGAT NG YAMAN NG MGA MARCOS? | TugmaLahat
Paano po ba nagkakaroon ng titulo ng lupa sa Pilipinas? Posible ba yung kwento ng Marcos gold mula sa mga Tallano?
POSIBLE BA YUNG KWENTO NG MARCOS GOLD MULA SA MGA TALLANO? | TugmaLahat
Screenshot of page 398 of Senator Salonga’s book:
https://drive.googleyu.com/…/1SvkuS189Ad1NFRrsS…/view…
https://duckduckgo.com/?t=ffab&q=salonga+the+quest+for+marcos+ill+gotten+wealth&ia=webhttps://