MAY TAMA AT MALI at MAY MGA PRINSIPYONG HINDI NAGBABAGO
MAY TAMA AT MALI at MAY MGA PRINSIPYONG HINDI NAGBABAGO anumang sitwasyon ang ating hinaharap.
Fear is the Wrong Motivator Against Doctrinal Drift
Ang Gospel Coalition ang pinakakilala na samahan ng mga leaders ng evangelical churches sa Amerika. Layon nilang ibalanse ang paglalahad ng ebanghelyo. Nasa buod ang pagmamahal ni Kristo na nagbibigay ng buhay na walang-hanggan ngunit gumagalaw sa lipunan ayon sa katuruan na ang pagiging ilaw at asin ay nararamdaman dapat sa lipunan.
Ang Hindi Pagkakakulong ng mga Marcos ay Walang Epekto sa Katotohanan ng Nakaw na Yaman ng Kanilang Pamilya
Ang kawalan ng criminal conviction ay hindi pruweba na walang ninakaw ang mga Marcos. May iba’t ibang paraan to establish that truth, at kalimitan, ito ang mas mabilis na paraan para mabawi ang nakaw na yaman. Ang pag-establish na nagnakaw ang mga Marcos ay malinaw na sinabi ng korte sa ILL-GOTTEN WEALTH CASES, sa PANGUNGUMPISAL NG MGA CRONIES O MGA KASABWAT, at sa KONKRETONG PAGSASAULI NG ASSETS NA GALING SA NAKAW NA YAMAN. Malinaw rin po ang HISTORICAL RECORDS at INTERNATIONAL CONDEMNATION TUNGKOL SA NAKAWAN NA GINAWA NI MARCOS. Kaya nga’t napakadaming reporma sa iba’t ibang bansa para hindi na maulit ang ganung PAGNANAKAW.
Marcos Facts
Ang Guiness World Records ay maaaring nakatanggap ng protesta sa pagkakalagay ng item tungkol kay FERDINAND MARCOS SR. Nawala aniya ang pangalan niya sa website nila. Anumang dahilan sa pagkakatanggal nito, napakadaming basehan ang katotohanang NAGNAKAW ANG MGA MARCOS.
Mga Dapat Pag-isipan
Kung susuportahan mo pa rin ang mga Marcos sa kabila ng katotohanan na nakaukit na sa kasaysayan ng buong mundo—ang pagnanakaw at ibang pagmamalabis nila sa kapangyarihan—pakihanda na po ang susunod na henerasyon na magbitbit ng higit na mabigat na pasanin sa buhay.
SUNDAY REFLECTIONS
Ito ay salaysay ng streetdwellers sa kaniya: May nagre-recruit sa kanila. Bibigyan daw ng halagang PhP 18k kada isa kapag nanalo ang alam niyo na kung sino. Kailangan nilang magpalista, magpakita araw-araw sa isang FB page, at panoorin ang mga videos na inia-upload doon. Yun lang daw. At siyempre lahat ng content ay pampabango sa isang hindi katiwa-tiwalang kandidato at pamilya niya.
KABAITAN BA ANG HINDI PAGKIBO NG ISANG APLIKANTE SA PAGKA-PANGULO SA HARAP NG MABIBIGAT NA TANONG UKOL SA KORAPSYON, ATBP.?
Ang kabaitan na ipinakita ng mga propeta, mga godly rulers sa Bible, mga followers ni Christ, at ni Christ mismo ay sa matapang na pagharap nila sa katotohanan, hindi sa pagtakas na harapin ito.
SA WESTERN HISTORY, NAKIKITA ANG KONTRIBUSYON NG KRISTIYANISMO LALO NA KAPAG ANG PUBLIC ETHICS ANG INIAANGAT NITO
Ang konsepto ng SERVANT-LEADERSHIP at ACCOUNTABILITY ay napakalaking kontribusyon sa pag-angat ng mga sibilasyon na tumanggap ng balita ukol sa Mesias na nag-alay ng sarili para sa sangkatauhan.
BRIDGE-BUILDERS PO TAYO NGAYON
Alam na ng Taumbayan ang katotohanan: nagnakaw ang pamilya Marcos. Kaya’t lahat na lang ng tumbling at hysterical iyak ang maririnig mo mula sa followers nila. Kaya rin parating no-show si Bongbong sa lahat ng event na pwede niyang harapin ang tanong ukol sa NAKAW NA YAMAN NILA.
KAPAG TAUMBAYAN ANG LUMALABAN
Kapag taumbayan ang lumalaban
Pulitikong bulok ay nagtatakbuhan
Naghahanap ng palusot
Makawala sa bagong gusot