PARA PO SA KORTE SUPREMA, ANG INIWAN NI MARCOS AY KASAYSAYAN NG ILL-GOTTEN WEALTH AT BANGKAROTENG GOBYERNO
Unanimous po ang Korte Suprema sa pangangailangan na maitayo ang PCGG o ang Presidential Commission on Good Government. Maaalala po natin na ang mga layunin ng PCGG, ay sinang-ayunan ng lahat ng Pangulo matapos kay Marcos.
SI MARCOS PO ANG UNANG NAGTAKDA NG PAGBEBENTA NG MGA ASSETS NG GOBYERNO
Malinaw ang layunin ng Presidential Decree No. 2030. Sa unang WHEREAS clause ng PD ni Marcos ay kinikilala niya na kailangan nang ibenta ang mga assets na ito sa lalong madaling panahon.
KUNG WALANG NINAKAW, WALANG IKUKUMPISAL ANG KASABWAT
Ang ginawa po ng mga kasabwat ni Ferdinand Marcos na gustong mangumpisal at magsauli, ay nakipag-usap sila sa PCGG at gumawa ng mga affidavit o sinumpaang-salaysay, at pag tinanggap na ang kanilang “confession” ay nag-surrender sila sa gobyerno ng mga titulo ng lupa, building, shares of stock sa mga kumpanya, o certificate of deposits at equity sa mga bangko.
TO ALL CONTENT CREATORS, PARENTS, TITOS/TITAS, TEACHERS, HISTORIANS, MEDIA, ETC.
PEOPLE’S PROJECT
Objective: Take back pre-1965 Philippine History.
MAAARI PO BA NATING IPAGDASAL ANG ATING MGA LINGKOD-SIMBAHAN NA GINIGIPIT AT NANININDIGAN SA KATOTOHANAN AT KATARUNGAN?
Ipagdasal po natin ang ating mga simbahan. Pumapasok na, kung hindi man nakapasok na ang usapin ng gantimpalang pinansyal, sa ating mga simbahan. Ang mismong mga simbahan ngayon, ay dumaraan sa pagsubok.
ITO NA PO ANG BAGONG MIND-GAME
Gaslighting o budol-budol po iyan, iniiba nila ang realidad para sa ating mga Pilipino. Dinadala tayo sa alternate universe kung saan para tayong mga zombies na walang nakikitang masama sa pagnanakaw at okay lang kahit ano, basta approved ng idol nila.
VIDEOS NG KUNG SINU-SINO VERSUS SUPREME COURT DECISIONS
Marami-rami na ring tumuligsa sa mga posts ko tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. At kung re-replyan sila na may mga Supreme Court decisions naman, sasabihin nila, bayaran ang lahat ng mga huwes, lahat sila ay inappoint ng dilawan.
STEPS FORWARD: Attention po sa MEDIA
Ang tamang pagsasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinas ay pinahina na nang husto. Ang media bilang fourth estate at guardian ng demokrasya at katotohanan ay pinagduduhanan na ng mga tao. Kung gaano kadami ang may ganung paniwala, hindi ko pa matantsa.
Ang kalaban lang pala ng katotohanan ngayon ay isang script, at isang video, then upload sa Youtube at Tiktok, ipa-viral lang at lahat ng involved ay walang accountability. Repeat by several dozens such videos, repeat and repeat the modus. Over time, anumang haligi ng demokrasya ay maaaring gumuho – mga unibersidad, works of scholars, accountability and ethics in government, at responsible media.
CALLING ALL HISTORIANS: Ano pa po ang magiging future ng historical scholarship, kung isasaisantabi ang lahat ng pinaghirapan niyo?
CALLING ALL HISTORIANS: Ano pa po ang magiging future ng historical scholarship, kung isasaisantabi ang lahat ng pinaghirapan niyo? By Maria Lourdes Sereno October 23, 2021 Ito po ang topic ng aking speech ngayong umaga sa LIKAS, ang 30 year old na samahan ng mga mag-aaral ng kasaysayan sa U.P. Kasama ko po ay ang […]
BAKIT PO KAILANGANG TUTUKAN ANG ILL-GOTTEN WEALTH NG MGA MARCOS?
Maaari rin itong tingnan sa konteksto ng ating pagbuo ng moralidad ng Pilipino. Habang hindi isinasauli ang mga nakaw na yaman, gagamitin at gagamitin ito para pagtakpan o baligtarin ang kasaysayan. Uukitin rin sa isip ng mga kabataan, na okay lang ang magnakaw.