Pang-debunk sa fake news na may tinangkang itakbo abroad si PNoy na gold bullions ng Pilipinas

Ito po ay pang-debunk sa fake news na may tinangkang itakbo abroad si PNoy na gold bullions ng Pilipinas. Sobra pong fake yang ipinapakalat nilang yan. Gaya ng dati na nating na-ipost, imposible in the first place, na merong 3,500 metric tons of gold. Tingnan niyo po ang mga links sa baba tungkol sa ano ba ang credible na amount of gold lang na meron ang Pilipinas. Dun pa lang, malinaw nang peke ang balitang ito.

KUNG TALAGANG NAGNAKAW ANG MGA MARCOS, BAKIT HINDI SILA NAKUKULONG?

Ang kawalan ng criminal conviction ay hindi pruweba na walang ninakaw ang mga Marcos. May iba’t ibang paraan to establish that truth, at kalimitan, ito ang mas mabilis na paraan para mabawi ang nakaw na yaman. Ang pag-establish na nagnakaw ang mga Marcos ay malinaw na sinabi ng korte sa ILL-GOTTEN WEALTH CASES, sa PANGUNGUMPISAL NG MGA CRONIES O MGA KASABWAT, at sa KONKRETONG PAGSASAULI NG ASSETS NA GALING SA NAKAW NA YAMAN. Malinaw rin po ang HISTORICAL RECORDS at INTERNATIONAL CONDEMNATION TUNGKOL SA NAKAWAN NA GINAWA NI MARCOS. Kaya nga’t napakadaming reporma sa iba’t ibang bansa para hindi na maulit ang ganung PAGNANAKAW.

Ang Hindi Pagkakakulong ng mga Marcos ay Walang Epekto sa Katotohanan ng Nakaw na Yaman ng Kanilang Pamilya

Ang kawalan ng criminal conviction ay hindi pruweba na walang ninakaw ang mga Marcos. May iba’t ibang paraan to establish that truth, at kalimitan, ito ang mas mabilis na paraan para mabawi ang nakaw na yaman. Ang pag-establish na nagnakaw ang mga Marcos ay malinaw na sinabi ng korte sa ILL-GOTTEN WEALTH CASES, sa PANGUNGUMPISAL NG MGA CRONIES O MGA KASABWAT, at sa KONKRETONG PAGSASAULI NG ASSETS NA GALING SA NAKAW NA YAMAN. Malinaw rin po ang HISTORICAL RECORDS at INTERNATIONAL CONDEMNATION TUNGKOL SA NAKAWAN NA GINAWA NI MARCOS. Kaya nga’t napakadaming reporma sa iba’t ibang bansa para hindi na maulit ang ganung PAGNANAKAW.

Marcos Facts

Ang Guiness World Records ay maaaring nakatanggap ng protesta sa pagkakalagay ng item tungkol kay FERDINAND MARCOS SR. Nawala aniya ang pangalan niya sa website nila. Anumang dahilan sa pagkakatanggal nito, napakadaming basehan ang katotohanang NAGNAKAW ANG MGA MARCOS.

May nagtanong na sa akin: Ikaw ay dating Chief Justice, at nagsasabing Kristiyano, hindi mo ba pinaghahati-hati ang kapatiran sa kakatutok mo sa mga Marcos?

Ito po ang sagot ko: Katungkulan ng bawat abogado na palakasin ang katotohanan at katarungan. Ang tatlo sa mga Marcos cases ay ako mismo ang nag-aral at sumulat ng desisyon. Kailangan kong patotohanan ang mga nakita ko.

Katungkulan rin ng bawat Kristyano na isulong ang kaharian ng katotohanan, katarungan at katuwiran. Nasusuklam ang Diyos sa pandarambong (Isaiah 1:17, Psalm 89:14, Isaiah 61:8).