KUNG WALANG NINAKAW, WALANG IKUKUMPISAL ANG KASABWAT

Ang ginawa po ng mga kasabwat ni Ferdinand Marcos na gustong mangumpisal at magsauli, ay nakipag-usap sila sa PCGG at gumawa ng mga affidavit o sinumpaang-salaysay, at pag tinanggap na ang kanilang “confession” ay nag-surrender sila sa gobyerno ng mga titulo ng lupa, building, shares of stock sa mga kumpanya, o certificate of deposits at equity sa mga bangko.

ITO NA PO ANG BAGONG MIND-GAME

Gaslighting o budol-budol po iyan, iniiba nila ang realidad para sa ating mga Pilipino. Dinadala tayo sa alternate universe kung saan para tayong mga zombies na walang nakikitang masama sa pagnanakaw at okay lang kahit ano, basta approved ng idol nila.

VIDEOS NG KUNG SINU-SINO VERSUS SUPREME COURT DECISIONS

Marami-rami na ring tumuligsa sa mga posts ko tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. At kung re-replyan sila na may mga Supreme Court decisions naman, sasabihin nila, bayaran ang lahat ng mga huwes, lahat sila ay inappoint ng dilawan.

STEPS FORWARD: Attention po sa MEDIA

Ang tamang pagsasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinas ay pinahina na nang husto. Ang media bilang fourth estate at guardian ng demokrasya at katotohanan ay pinagduduhanan na ng mga tao. Kung gaano kadami ang may ganung paniwala, hindi ko pa matantsa.

Ang kalaban lang pala ng katotohanan ngayon ay isang script, at isang video, then upload sa Youtube at Tiktok, ipa-viral lang at lahat ng involved ay walang accountability. Repeat by several dozens such videos, repeat and repeat the modus. Over time, anumang haligi ng demokrasya ay maaaring gumuho – mga unibersidad, works of scholars, accountability and ethics in government, at responsible media.