Mensahe para sa mga Kababayan Natin na Nakatanggap o Umaasa na may Matatanggap na Salapi Kapalit ng Kanilang Boto
Alam po nating marami na tayong mga kababayan na nakatanggap o umaasa na may matatanggap na salapi kapalit ng kanilang boto. Kung sakaling ibahagi nila ang kwentong ito sa iyo, at nais sana nilang makawala sa epekto ng pagka-pangako nila ng kanilang boto kapalit ang salapi o pangako nito, maaari siguro natin itong sabihin sa kanila:
Kapag Nilalabanan Natin ang Paghahari ng mga Magnanakaw
Kapag nilalabanan natin ang paghahari ng mga Magnanakaw, pati ang future ng mga anak at apo ng ordinaryong supporters nila ay ipinaglalaban din natin.
Mayroong kakaibang nangyayari sa bansa, at ipagpasalamat natin ito sa Diyos
Mayroong kakaibang nangyayari sa bansa, at ipagpasalamat natin ito sa Diyos. Kinakansela ng citizens’ campaigns ang traditional politics. Mga kababayan, put the pressure on local politics! Sa #TaumbayanNaman ito!
Ang Eleksyon ay Never About “Respect My Opinion”
Ang eleksyon ay never about “respect my opinion” (ego issue po ang tawag diyan). Ang issue na sine-settle natin ay kung may magandang future ba ang ating mga anak at apo dahil sa ating pinipili.
Tama ba na tanungin ang basehan ng choice ng iba?
Iisang bangka lang po ang sinasakyan natin. Kaya itong palubugin—na lulan din ang mga anak natin—ng maling pagpili sa kapitan ng barko.