SONA-KAKALUNGKOT NGA BA ANG SONA?

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

SONA-KAKALUNGKOT NGA BA ANG SONA?

Naalala niyo ba ang excitement ng mga tao sa mga nakaraang SONA? Ano ang suot nino? Sino ang pinakama-garbo, pinaka-sexy o pinakamalakas na statement sa SONA wardrobe? Usapan din kung ano ang handa, etc. Parang awarding night ng mga artista ang vibes. At kung naka-bingwit si Congressman, time to bring out the celebrity escort!

Maikli at simple lamang ang description ng Constitution sa SONA o ang annual State of the Nation Address. Ito ay isa lamang “address” o pormal na pagpapahayag ng mga mahahalagang bagay ukol sa bansa, na required na ibigay ng Presidente sa Kongreso (Article VII, section 23) tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo kada taon kung kailan required ang Kongreso na magsimula muli ng kanilang mga sesyon (Constitution, Article VI, section 15).

Sapagkat bihira ang ganitong pagkakataon na buo ang pagtitipon ng Kongreso–ang Senado at Kamara ay nasa iisang lugar–nasa tradisyon na ang paggamit ng SONA ng Pangulo upang ilahad ang mga prayoridad ng kaniyang administrasyon na kailangang isabatas. Oportunidad din ito upang ilahad ang mga nagawa na, at ang mga isyu na kinakailangan ang suporta ng mamamayan.

Maaaring sabihin na ang huling SONA ay isang pamamaalam kung saan matatantsa ng tao kung paano nais ng isang Pangulo na siya ay maalala. Ngunit kung ang Pangulo ay nagbabanta na tatakbo muli bilang shadow President, o kaya ay Bise-Presidente na magpapa-resign ng Presidente upang siya ay muling maging Presidente, mukhang mangangamoy kampanya ang huling SONA.

So, what will the President’s SONA be this time? Wanna bet?

  • SONAKAKALUNGKOT kaya kung walang tunay na accomplishments na maipagmamalaki?
  • SONAKAKAGALIT ba kung mukhang ma-babalewala ang one-term limit ng isang Presidente?
  • SONAKAKAHILO ba kung mukhang propaganda at fake news ang ifla-flash sa giant screens sa Batasan?

 

Because all of the above are possible, SONAGDADASAL tayo! Ito ang tunay na impactful na State of the Nation—believers on their knees praying!

 

#SONAMAGDASALtayo
#SONAMATAUHANnatayo

SHARE