SINISIRA NG GANITONG MGA ARGUMENTO ANG FUTURE NG MGA KABATAAN:
By Maria Lourdes Sereno
Lately po, ang comments ng mga tumutuligsa sa posts natin ay ganito:
1) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, lahat naman ng pulitiko o nasa gobyerno ay nagnanakaw!
2) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, may nagawa naman!
3) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, hindi naman nakakulong kahit sinong miyembro ng pamilya!
4) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, na-dismiss naman yung maraming kaso!
5) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, inggit lang kayo!
6) Eh ano kung nagnakaw ang ama at ina, yung anak deserves another chance! (kahit sila ng pamilya niya ang humahawak ng nakaw na yaman)
7) Eh ano kung nagnakaw si Marcos, walang kailangan na ipag-sorry ang pamilya!
Mga kaibigan, naiitindihan po ba natin na parang sa lungga ng kadiliman nanggagaling ang ganitong mga salita? Naiintindihan po ba natin na ginagawang katanggap-tanggap ang pagnanakaw sa lipunan?
Friends, masyado pong urgent ang repentance at proclamation of the truth. Very very urgent po. Lahat po dapat, gawin natin ito, wala pong exempted. Salamat po.