Si Bongbong Marcos ang Principal Defendant ng Nakaw na Yaman ng Kanilang Pamilya

By Maria Lourdes Sereno

Si FERDINAND MARCOS JR. o BBM, ang tumangging isauli ang NAKAW NA YAMAN na higit sa PhP 1.8 billion secret Arelma bank account ng mga Marcos. Natalo siya sa Sandiganbayan kung saan pinilit niya na ang mga pondo sa Arelma account ay sa kanilang pamilya. Kaya’t iniangat niya ang pagkatalong ito sa Korte Suprema.
 
Ang title po ng kaso ng pag-apela ni Marcos Jr. sa desisyon ng Sandiganbayan na sa taumbayang Pilipino ang pondo sa Arelma account ay:

FERDINAND MARCOS JR. v. Republic of the Philippines” (G.R. 189434).

Ang petsa ng unanimous decision na ito na nagsasabing hindi kay MARCOS JR ang several millions of USD sa Arelma account kundi sa mga Pilipino ay April 25, 2012. Panoorin po niyo ang maikling news video na ito.
 
🎥 GMA News
SHARE