SA WESTERN HISTORY, NAKIKITA ANG KONTRIBUSYON NG KRISTIYANISMO LALO NA KAPAG ANG PUBLIC ETHICS ANG INIAANGAT NITO
By Maria Lourdes Sereno
Ang konsepto ng SERVANT-LEADERSHIP at ACCOUNTABILITY ay napakalaking kontribusyon sa pag-angat ng mga sibilasyon na tumanggap ng balita ukol sa Mesias na nag-alay ng sarili para sa sangkatauhan.
Kaya’t dito sa Pilipinas, dapat labanan natin ang anumang trend na ang mga mananampalataya pa ang nakikitang nagpapalakas sa KAMAY NG PAGPATAY NG WALANG KATARUNGAN, PAGSISINUNGALING, PAGNANAKAW AT PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN.
Dapat ang brand of Christianity na makita dito ay may spirit of humility. Na kung nabudol sa easy solutions ng Kill, Kill, Kill! ay hindi na ito ipagpapatuloy. At hindi rin susuportahanan ang anumang koponan ng Steal, Steal, Steal!
It’s time to go back to what God has always wanted us to be—a people looking to the love of God, His words, and joyfully following His commands. Hindi nagpapabudol, hindi nagpapaloko sa mass disinformation na binabaluktot ang kwento ng kasaysayan. Tinatanggihan ang ideya na “Ok lang ang magnakaw, basta may nagawa.”
Ano nga ba ang nagagawa ng magnanakaw na nasa kapangyarihan? —Ang gawing katanggap-tanggap sa mga Pilipino ang pagnanakaw.
Kaawaan nawa tayo ng Diyos. Mag-repent po tayo – ibig sabihin, tumawag sa Diyos, ilahad na nagsisisi at nagdesisyon bilang bayan, na babalik na tayo sa Kaniyang katotohanan.