Sa mga Christians, Corruption and Injustice are Very Urgent Concerns: Magsimula tayo sa Description ni Jesus sa Identity and Mission Niya
By Maria Lourdes Sereno
Hindi po maaaring ang tingin lang ng isang Kristiyano ay ang perspective ng life after death. Yun bang sinasabi mong okay lang kahit anong mangyari sa lipunan, kasi dadalhin naman ako ni Lord sa langit. Sa halip, ang dapat na pinanggagalingan ng bawat Kristiyano ay ang misyon ni Kristo sa lupa, at ang identity Niya.
Ano ang inihayag ni Jesus na misyon Niya sa Kanyang first public speech? Before this, nababalita na sa rehiyon ng Galilee at karatig-pook na mayroong isang Hesus na nagtuturo na parang may “power of the Spirit .” Ang scene below ay sa isang synagogue (congregational gathering) sa Nazareth, kung saan siya ay lumaki. Magsimula tayo sa verse second half ng verse 16 ng Luke 4, hanggang verse 19:
“And as His (Jesus’) custom was, He went into the synagogue on the Sabbath day, and stood up to read. And He was handed the book of the prophet Isaiah. And when He had opened the book, He found the place where it was written:
“The Spirit of the Lord is upon Me, Because He has anointed me to preach the gospel to the poor; He has sent me to heal the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives and recovery of sight to the blind, to set at liberty those who are oppressed; to proclaim the acceptable year of the Lord”.
Ito ang Misyon ni Jesus. Ang self-described identity Niya ay Siya ang Daan, Katotohanan, at Buhay (John 14:6), at papalayain Niya ang lahat ng klaseng pagkabihag, hindi sa makabilang-buhay, ngunit ngayon na, dito sa lupa. At kailangang ipinapagpatuloy ng Kaniyang mga anak ang ganitong gawain, hanggang sa muling pagbabalik ni Jesus.
Mga kaibigan, kung ang mga desisyon mo sa buhay ay salungat sa identity ni Jesus na Daan, Katotohanan at Buhay, at ang mga desisyong iyon ay: hindi nakapagbibigay ng Daan, Katotohanan at Buhay sa mga naghihirap, nasasaktan, nakagapos, hindi makakita, at mga inaapi, then, paano mo masasabing sumuko ka na kay Jesus as your Lord, Master and Savior?
Relevant ang tanong kung ano ang ibig sabihin ng pag-surrender kay Jesus sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Kristiyano. Ito ang nagpapakita kung namamasid ba ang ilaw ni Jesus sa ating buhay o hindi.