PLEASE PO, MAGTULUNGAN NA TAYONG LAHAT, GUMAWA NA PO KAYO NG MGA EDUCATIONAL VIDEOS
By Maria Lourdes Sereno
Kanina pong umaga, sa mga lider ng kabataan ng Naic, Cavite, ay ipinaliwanag ko kung gaanong kadami ang lawyers na involved sa isang kaso mula sa Sandiganbayan hanggang sa Supreme Court.
Yung isang kaso po, halimbawa tungkol sa 5 secret Swiss accounts, kinailangan po ang 1-2 legal staff per Sandiganbayan justice. Sa Supreme Court, 2-3 per Justice. Sobra pong dami ng dokumento at hearings sa Sandiganbayan. 3 justices po per Sandiganbayan division. Sa Supreme Court En Banc, all 15 justices po yung involved sa 2003 Marcos decision. Yung lawyers pa on both sides. Plus the administrative staff. All of that effort to produce one single decision. And all the witnesses and coordination with Swiss government officials.
At least 9 years of tertiary education and the bar review and exam to produce one lawyer. Decades of hard work to produce one Justice. I think the young people in the webinar appreciated why you cannot trust videos that are unauthored/attributable to a reliable source.
And yet, in the end, for some in our population, videos ng kung sino-sino lang pala ang pakikinggan at hindi solid Supreme Court decisions. Kasi, hindi man lang babasahin anumang isinulat mo dahil wala daw video. Friends, sobra na ang ginawa ng mga pinuno ng disinformation sa bayan natin. Binudol-budol talaga nila ang maraming kababayan. Pinaglaruan tayo ng mga masasamang tao!
Basahin niyo po ang screenshot sa taas.