PINAHINA NI MARCOS ANG PILIPINAS MULA SA MODEL OF THE THIRD WORLD IN 1965, TO A BANKRUPT ECONOMY BY 1983
By Maria Lourdes Sereno
Totoong pataas at palakas ang trajectory ng Pilipinas sa pag-upo ni Marcos noong 1965. Model nga tayo ng Third World, at kinikilala na number 2 sa Asia after Japan. Nakabangon tayo ng mabilis after World War II, at tuluy-tuloy ang paglago ng industriya natin.
Nag-impose si Marcos ng Martial Law noong 1972. Nagpakitang gilas siya ng maraming reporma in the first three years of Martial Law. Kasabay ng authoritarian regime niya ang similar regimes sa South Korea at Singapore. Ngunit kinalaunan, nakita na malaki ang pagkakaiba ng leadership ng mga rehimeng iyon kay Marcos.
Sinabi ni William Overholt, an expert on Asia and US-Asia relations, with a long history of analyzing Asia for both the public and private sectors at naglingkod bilang political advisor sa Philippine Department of Agrarian Reform, that as of 1975, nawalan ng lakas ang makina ng reforms ni Marcos. Imbis na ituloy ang reporma, ang inasikaso ni Marcos ay ang interes ng pamilya niya at ng kanyang mga cronies. Pinalitan niya ang hawak sa ekonomiya ng mga dating oligarchs ng kanyang mga cronies. Sa halip na unahin ang paggawa ng trabaho, ang mga malalaking proyekto na capital-intensive at hindi job-generating ang inuna kasi madaling pagnakawan ang malalaking loans na kaakibat ng mga ito at itago ang mga nakaw sa Swiss bank accounts niya.
Iisa-isahin natin sa future articles ang mga tama at maling hakbang ni Marcos, at kung bakit hanggang ngayon, pinagbabayaran pa natin sa kahirapan, ang mga malalaking kamalian na iyon.
Nag-highlight po tayo sa poster na ito ng ilang major points sa libro ni William Overholt upang hindi tayo makalimot. May link po sa baba sa important work na ito. Read this book for yourself po. Marami tayong malalaman o maalala tungkol sa 20 years ni Marcos.
The Rise and Fall of Ferdinand Marcos by William Overholt
http://www.overholtgroup.com/…/The-Rise-and-Fall-of…