ANO PO KAYA? PINAG-PLANUHAN NA KAYA ANG GASLIGHTING TUNGKOL SA COA NOON PA? BAYBAYIN PO NATIN PATI MGA NAKARAANG STATEMENTS UPANG MATUKOY.

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Usually po, ang mga psychological at political gaslighters ay pinagpa-planuhan na ang mga points na ia-attack nila sa kanilang biktima. Para yung mga defenses ng biktima, humina over time.

  1.  MAYROON BANG PANGLITONG GINAWA SA MANDATO NITO? – Upang malito ang taumbayan at mismong taga-COA ukol sa mandato ng COA, at makalimutan na sila ang exclusive supreme auditor ng buong gobyerno na hindi maaaring diktahan ninuman, sapagkat sila ang ang antay sa kaban ng bayan. 
  2.  MAY PANANAKOT BANG GINAWA SA COA? MAY MGA SINAMPOLAN BA SA MGA INDEPENDENT INSTITUTIONS GAYA NG OMBUDSMAN? VEILED OFFER OF COMPROMISE? – Upang ma-justify ang pagpapalabnaw ng mga reports nito at sabihing okay lang kahit may kaduwagan, safe naman sila.
  3.  MAY LABAN-BAWI, O HOT-AND-COLD STATEMENTS BA? – Upang lalong malito, o magbigay ng benefit of the doubt sa intensyon na kunwari, mabait naman talaga ang aggressor laban sa COA.
  4.  MAY MGA PAAWA EFFECTS BA? – Upang mabawasan ang moral resolve ng COA at ng taumbayan na gawin ang tama.
  5.  MAY PAG MISLABEL BA NA GINAGAWA SA MGA DOKUMENTO NG COA? PANGLITO SA PROSESO? SA TIMELINES? – Upang sabihin na hindi naman talaga nabigyan pa ng pagkakataon ang mga ahensya na magpaliwanag, kahit matagal nang binigyan ng panahon ito ayon sa normal na proseso. Alam na annual report, pero nililito ang taumbayan sa prosesoso, mga requirements at deadlines na hindi na-meet.


MAAARI PONG MADISKUBRE ANG MGA PLANO KUNG BABALIKAN ANG DATING GINAWA NG AGGRESSOR SA COA, KAHIT SA PAST ROLE NG AGGRESSOR.

————————

ITO PO KAYA ANG ANSWER SA COA GASLIGHTING, KUNG MERON NGANG GANUN?

  1.  COA must ignore threats and pleas to abandon their identities/compromise.
  2.  People must express support for COA and help educate others.
  3.  People must demand accountabiliry and answers from accountable officials.
  4.  Pray for COA, our people, and the gaslighter at yung mga tumutulong sa gaslighting. – For protection and freedom from gaslighting, for the standards of the Bible and the Constitution to be upheld and for repentance.


REMEMBER: GASLIGHTERS ARE EXPERTS AT WHAT THEY DO. They must be shown that their manipulation does not work.

 

Ito po ang paliwanag kung ano ang 𝗚𝗔𝗦𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗜𝗡𝗚:
ISANG STRATEGY NG MGA DIKTADOR | TugmaLahat

SHARE