PINABENTA NI DUTERTE ANG MGA ALAHAS NI IMELDA NA NAPATUNAYANG NAKAW NA YAMAN

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Panoorin ang videong ito kung saan kasama ang mga alahas ni Imelda na pinabenta ni Pangulong Duterte: (6) Reporter’s Notebook: Gaano kalaki ang ill-gotten wealth ng mga Marcos? – YouTube

Ang mga alahas na ito ay napatunayang bahagi ng nakaw na yaman ng mga Marcos. Buksan ang links ng news articles sa baba at basahin ang utos ni Duterte sa PCGG. Ang mga opisyal na desisyon naman ng Korte Suprema tungkol sa nakaw na yaman ng mga Marcos ay nasa ilang posts ko nang nai-link. Pakibasa na lang po dun sa previous posts ko.

Hindi galing ang mga alahas sa yaman ng mga Marcos. Ni si Imelda, hindi masabi sa korte na regalo daw yun sa kanya ng ibang bansa, wala siyang kahit anong paliwanag sa korte. Ayon sa batas, galing ang mga ito sa pangungurakot. May tanong kayo kung saan napunta ang pinagbentahan? Tanungin niyo po si Duterte.

Duterte issues formal order for Imelda Marcos jewelry auction | June 2019
https://www.untvweb.com/…/duterte-issues-formal-order…/

Palace to oppose moves to block sale of Marcos jewelry | June 2019
https://www.pna.gov.ph/articles/1071376

SHARE