PANGINOON, TURUAN MO AKONG BILANGIN ANG AKING MGA ARAW

By Maria Lourdes Sereno

January 2, 2022

bilangin ang mga araw

Unang araw ng Linggo ngayon, kung saan, sa maraming bansa na kinikilala ang araw ng kapahingahan at paggunita sa Panginoon ng Kapahingahan (Lord of the Sabbath, Lord of Rest), isinasara ang mga opisina, komersyo, at pabrika ng pagawaan upang harapin ang katotohanan na sa alabok tayo lahat nanggaling, at sa alabok rin babalik. (Deuteronomy 5:12-14)

Kaya’t ang araw ng kapahingahan, Sabado man o Linggo, at sa ibang bansa, Biyernes, ay araw ng pagkilala na haharap tayong lahat sa Maykapal. Kaya’t hinihimok tayong lahat na:

“Alalahin mo ang Iyong Maylikha sa araw ng iyong kabataan, bago dumating ang masamang araw, at ang taon ay lumapit, at iyong sasabihing wala akong kaluguran sa mga iyon.” (Ecclesiastes 12:1)

Sa mga nalalabing 364 days pa ng 2022, turuan Mo kami, Ama, na huwag itapon ang mga ito sa hangin sapagkat sa gayong kapabayaan ay aani kami ng ipo-ipo (Hosea 8:7). Huwag mo ring hayaang mamutawi mula sa aming bibig ang mga salitang walang saysay at di-makatotohanan, sapagkat hihingi ka ng katugunan sa bawat careless word na aming nabitiwan (Matthew 12:36)

Kaingatan Mo ang aming mga araw, upang huwag humantong ang mga ito sa walang kabuluhan. Si Solomon na mismo, haring pinakamatalino, pinakatanyag at pinakamayaman ang nagsabing, lahat ng bagay sa mundo na hindi kasama ang Diyos, ay walang kabuluhan.
SHARE