PAANO PO NANGURAKOT SI FERDINAND AT IMELDA MARCOS SA PANAHON NG KANILANG PANUNUNGKULAN?
AYON SA PCGG, SA PAMAMAGITAN NG PANG-AABUSO NG KANILANG KAPANGYARIHAN.
By Maria Lourdes Sereno
Mahigit 20 years si Ferdinand at Imelda Marcos na naging Pangulo at First Lady/Governor/Cabinet Minister sa Pilipinas. Paano po nangurakot si Ferdinand at Imelda Marcos?
Ayon sa libro ni Jovito Salonga, na dating Senate President at unang PCGG Chairman, na hero of the Christian faith din, ito po ang mga paraan kung paano nangurakot ang mga Marcos. May link sa screenshot ng page ng libro ni Salonga sa baba. Meron ding link sa libro mismo:
Creating monopolies and putting them under the control of cronies, o pag-gawa ng mga monopolyo sa negosyo at paglagay nito sa kamay ng kaniyang mga alyado, halimbawa sa coconut Industry po at may kabahagi siya dito sa negosyo;
Awarding behest loans to cronies from Government banking or financing institutions, o pagbigay ng utang mula sa government banks sa kaniyang mga kaalyado at may kabahagi siya dito;
Forced takeovers of various public or private enterprises, with a nominal amount as payment, o sapilitang pagkuha ng mga pribado at publikong negosyo ng walang bayad;
Direct raiding of the public treasury and Government Financing Institutions, o deretsahang pangungulimbat sa kaban ng bayan at sa mga government banks o financial institutions;
Issuance of Presidential Decrees or orders, enabling cronies to amass wealth, o pag-issue ng mga batas o kautusan na magpapalawig ng yaman ng mga kaalyado niya;
Kickbacks and commissions from enterprises doing business in the Philippines o pangungumisyon sa mga negosyo sa Pilipinas;
Use of shell corporations and dummy companies to launder money overseas, o paggamit ng mga korporasyon para hindi mahalata ang pagtago nila ng illegal na yaman;
Skimming off of Foreign Aid and other forms of International Assistance, o paggamit ng mga foreign loans at iba pang international assistance; at
Hiding wealth in overseas bank accounts using pseudonyms or code names, o ang paggamit ng mga sikretong mga bangko sa labas na mayroong fake names o code names.
Simula po nang naitayo ang PCGG, at nagtalaga ng mga Commissioners sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, Benigno Aquino III, at Rodrigo Duterte, ay hindi pa po nagbago ang salita ng PCGG. Tuloy-tuloy pa rin sila sa paghabol ng nakaw na yaman ng mga Marcos. Kamakailan lang ay nag-announce ang Duterte PCGG na hahabulin nila ang San Miguel Bank of Commerce para sa nakaw na yaman ng mga Marcos.
PhP 174 billion na po ang nabawi na nakaw na yaman mula sa mga Marcos. May PhP 125 billion pa na babawiin sa mga Marcos. Ito ang report ng Duterte-appointed Commissioners. Ang sabi po nila sa kanilang report, napunta ang yaman na ito sa:
Mga magsasaka sa ilalim ng CARP
Human rights victims
Coco Levy Trust Fund
At noong 2019, iniutos ni Duterte pati ang pagbenta ng mga alahas ni Imelda. Pakiusap po, tigilan na ng mga supporters ng mga Marcos ang malisyosong kwento niyo na isinuot ni Kris ang mga ito. Wala pong kinalaman ang mga Aquino sa alahas ni Imelda.
Ang PhP 174 billion na ito ay nanggaling sa mga:
sinauli ng mga nangumpisal na cronies o kasabwat ni Marcos,
nahatulan na bahagi ng nakaw na yaman,
na-sequester ng PCGG at hindi na-contest ng mga humahawak sa kanila,
na-i-surrender ni Gng. Imelda Marcos sa pamahalaan ng Pilipinas kapalit ng pag-dismiss ng kaso laban sa kanila na dinala ng Roger Roxas family sa kanila sa Hawaii;
at ang mga na-forfeit in favor of the government dahil nakita ng Korte Suprema na nakaw na yaman nga ang mga ito.
MAY DATI NA PO TAYONG POSTS TUNGKOL SA:
1) listahan ng mga cronies at mga nakaw na yaman ng mga Marcos na isinauli nila;
2) ang tatlong desisyon ng Supreme Court na nagsasabing nakaw na yaman ang mga assets ng mga Marcos na lampas sa USD 304,000 approximately dahil wala silang maipakitang legitimate source ng kanilang yaman, at ayon sa batas, unlawfully acquired ang mga malaking kalampasan dito;
3) na walang Tallano gold, wala pong 7,000 metric tons si Marcos na ipinahiram sa World Bank at iba’t ibang bansa. Wala pong yaman na kung manalo si Bongbong ay ipamumudmod sa bansa. Maaari pong meron silang “a few” gold bars, gaya ng sinabi ni Pangulong Duterte, na willing silang ibalik sa Pilipinas. Pero hindi po yung inaasahan nating nakakalulang yaman.
Links po na baka makatulong sa inyo:
2021 PCGG report (Duterte Presidency na) on recovery of Marcos’ ill-gotten assets from 1987 to 2021, at saan napunta:
end-2020:
https://drive.google.com/…/1-lnDpi1Zb5yDn9djc9j…/view…
Freedom of Information https://www.foi.gov.ph/…/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbn…
List of cronies
KUNG WALANG NINAKAW, WALANG ISASAULI NA ASSETS, AT WALANG IKUKUMPISAL ANG CRONIES NI MARCOS | TugmaLahat
Mga Supreme Court final decisions na nagsabing may nakaw na yaman ang mga Marcos:
2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708
2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/54791
2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728
Previous posts ko tungkol sa fake Tallano gold story:
Totoo po ba na may Tallano family, na King ng Maharlika, na nagbigay ng mga lupa at ginto kay Ferdinand Marcos Sr. na ugat ng yaman ng mga Marcoses? TOTOO PO BA NA MAY TALLANO FAMILY, NA KING NG MAHARLIKA, NA NAGBIGAY NG MGA LUPA AT GINTO KAY FERDINAND MARCOS SR. NA UGAT NG YAMAN NG MGA MARCOS? | TugmaLahat
Paano po ba nagkakaroon ng titulo ng lupa sa Pilipinas? Posible ba yung kwento ng Marcos gold mula sa mga Tallano?
POSIBLE BA YUNG KWENTO NG MARCOS GOLD MULA SA MGA TALLANO? | TugmaLahat
Screenshot of page 398 of Senator Salonga’s book:
https://drive.google.com/…/1SvkuS189Ad1NFRrsSrF…/view…
https://duckduckgo.com/?t=ffab&q=salonga+the+quest+for+marcos+ill+gotten+wealth&ia=webhttps://