MAY PASKO PA

By Maria Lourdes Sereno

December 23, 2020

Integral Faith
Illustrated by Kelly

Nagdadalamhati at nabibiyak ang ating mga puso ngayon. Tumangis at magtanong tayo kung saan na nga patungo ang bansa natin kung kayang pumatay ang kapulisan nang walang awa, walang saysay, at sa harap ng madla. Saan na patungo ang mga kabataan kung sila ang nag-uudyok ng kamalian sa kanilang mga magulang?

Hindi ito panahon para bumitaw. Panahon ito ng radikal na solusyon na tanging Diyos lang ang kayang gumawa–ang pagpalit ng mga pusong bato ng pusong tumitibok ng pag-ibig para sa Kaniya at sa kapwa. Ito lamang ang solusyon, ang mamagitan ang Diyos at tanggalin ang kasamaan sa ating mga sarili at sa ating lipunan. Ito ay araw ng pagpapakumbaba sa Diyos at pagbabalik-loob sa kabutihan. Mula sa pinakamababang sektor ng lipunan hanggang sa pinakamataas, ating simulan ang paghingi ng tawad sa Diyos at sa kapwa. Mag-usap muli kung paano natin aayusin ang nagkagula-gulanit nating bayan. May pag-asa pa, may Pasko pa! Andiyan pa ang ating Tagapagligtas na si Hesus!

SHARE