MGA KAIBIGAN, DISCERNMENT AND STEADY COURAGE PO ANG KAILANGAN
By Maria Lourdes Sereno
Maraming kababayan tayong uhaw sa katotohanan. Kaya’t ito ang ating ipag-ibayong sipagan: ang paglahad ng katotohanan. Tiyagain pong ipaliwanag sa bawat kaibigan at kaanak ang katotohanan. Huwag magpapasindak o magulat kung aatakihin kayo ng mga tunay na tao, pati mga kilala niyo, o ng mga strangers. Ita-try nilang pahinain ang loob niyo. Kasama po iyan sa sinasabing “psychological warfare.” At huwag magulat kung lalong dadami pa ang ipakakalat na fake news.
Kailangan po kasing laging pahinain ng mga gumagawa ng fake news ang mga gustong lumaban para sa katotohanan at kabutihan. Marami po sa ide-deploy nila ay mula sa paid trolls o mga fanatics. Kasama po iyan sa mangyayari. Cool lang po kayo.
Huwag po kayong mag-engage sa trolls. Marami pong mga well-meaning na pages na dahil sa nahayaan niyong i-attack kayo nang malakas at paulit-ulit, ay para tuloy nanghihina na rin ang lakas ng pwersa niyo. Wala pong obligasyon ang sinuman na palakasin ang troll industry. Hindi democratic virtue ang payamanin ang may hawak ng troll farms. Bayad na ang trolls at bosses nila para iattack kayo at hindi niyo na kayang baguhin ang isip nila kasi kontrata nila iyon – ang ipahiya kayo, pahinain kayo, at matakot kayo. Kaya’t palayasin ang mga halatang pekeng tao o yung mga malinaw ang intensyon na gusto lang manggulo sa page niyo. Palakasin ang pwersa na naghahanap lang ng katotohanan. Mag-exercise po ng discernment kung sino ang kakausapin at kung nilalansi lang kayo.
Above all, ako ay naniniwala na tuwing nagpapakita kayo ng takot o panghihina, at inilalabas ito in public instead of praying and asking God for strength, pinapahina niyo ang panig ng katotohanan. Sa mga prayer warriors o intercessors, ang tawag diyan ay negative declarations, at kina-cancel dapat iyan. Hindi ibig sabihin na tayo ay may toxic positivity na parang hindi tayo nakatuntong sa realidad, kundi ang panghuhugutan ng lakas ng mga naniniwala sa katotohanan ay ang Diyos ng Katotohanan. At faithful naman ang Diyos natin to supply all that we need according to His will. And His will is we fight for what is true.
Kaya, be of good courage po lahat, God has given His children the spirit of courage, power, sound mind and love, and not of fear. (2 Timothy 1:7) Hindi tayo kinupkop ni Hesus para maging matatakutin at kimi, ngunit sa espiritu ng katapangan, ipaglaban ang katotohanan.
Franco Francisco