MGA HISTORIANS, TEACHERS, PASTORS, PRIESTS, ARTISTS, AND ALL CONCERNED CITIZENS:
TRUTH-BUILDING TIME NA PO
By Maria Lourdes Sereno
Mga kailangan nating ituro muli, o itama ang mga baluktot na itinuro ng mga vloggers at videos ng Marcos network:
1. Ang Pilipinas po ay isang archipelago;
2. Na wala pong Maharlika Republic ever sa buong kasaysayan natin;
3. Na wala pong pamilyang Tallano na nagmay-ari ng buong Pilipinas, pati na ng Sabah at ng Spratly islands;
4. Na ang land titling system ng Pilipinas ay mula sa legal regime ng Spain, United States, at Republic of the Philippines, at hindi galing sa mga fictional Tallano family;
5. Na hindi nagpang-abot sina Jose Rizal at Ferdinand Marcos Sr. Namatay si Rizal (at verified po ito) noong 1896 at si Marcos Sr. naman ay pinanganak noong 1917.
6. Na wala pong listahan noong 1949 o kahit kailanman na richest man in the world si Marcos. Bagong abugado pa lamang siya nun at 32 years old lang siya.
7. Wala pong hinawakang land case si Marcos para sa mga Tallano kung saan ang bayad sa kaniya ay gold. Sabi pa nga ng Korte Suprema, agreeing with the Sandiganbayan, Marcos Sr. had no known clients and no known law office.
8. Wala pong 7,000 tons of gold sa basement ng bungalow ni Marcos at Imelda sa San Juan, contrary to the claim of Imelda. Ang 7,000 tons ng ginto ay sinlaki na ng volume ng isang maliit na building. Ang US Federal government only owns 8,000 plus metric tons of gold. Ito po, sobrang kasinungalingan mula sa isang dating First Lady natin; part rin po iyan ng sad history natin.
9. Wala rin pong 1,000 tons of gold ang mga Marcos, as claimed by Marcos Sr. na hindi niya alam kung saan-saan sa Pilipinas nakatago. Sabi nga ng US congressmen, panloloko daw iyon. Kasama po iyan sa history ng Pilipinas, ang panlolokong iyan. Ang sabi pa ni Marcos, si Bongbong lang daw ang may alam na may mga gintong ito, at walang alam dito si Imelda.
10. Marami na pong nabudol sa kwento ng mga perang ipamumudmod daw ng mga Marcos, ang pinaka-famous ay nung nagtipon ang libo-libong mga Pilipino sa Los Baños noong 2017 na nag-aabang ng bonanza ng PhP 1 million each mula sa mga Marcos.
11. Ang proven na ginto ng mga Marcos ay mga gold bars sa isang maleta na dinala nila sa Hawaii na inilista ng US Customs authorities. Hindi natin alam kung puno at kung ano ang size ng maletang iyon.
12. Itinanggi na ni Imee ang Tallano legend.
13. Sabi ni Bongbong lately, wala pa siyang nakikitang ginto.
14. Total production ng ginto sa buong mundo ayon sa World Gold Council ay 197,576 metric tons. Kaya’t yung mga kwento na 400,000 metric tons daw meron ang mga Tallano ay sukdulang ginagawa ang mga Pilipino na mangmang.
Kung gusto niyo pong balikan ang resource materials, pwede niyo pong gamitin ang posts ko para gumawa ng teaching videos, blogs o posts. Ako na po ang magpapasalamat sa inyo. Kailangan po buong bansa mag-unite sa pagtutuwid ng binaluktot ng mga masasama. (Ilalagay po namin one by one yung links sa baba, wait lang po at maku-kumpleto in a while yung links; feel free to use po).