MARCOS FACT:
ANG MARCOS' NAKAW NA YAMAN ANG PROTOTYPE NG ILL-GOTTEN WEALTH NA ISASAULI NG SWITZERLAND
By Maria Lourdes Sereno
For the first time, dahil sa iskandalo ng laki ng nakaw ni Ferdinand Marcos, Sr. na itinago ng pamilya niya sa secret bank accounts sa Switzerland, nagkaroon ng new age of reform sa international banking policy, lalo na sa Switzerland.
Matapos tulungan ng Swiss government at ng Swiss Federal Supreme Court ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasauli ng nakaw na yaman ng pamilya sa loob ng 5 secret bank accounts, dinesisyusan nila na yun ang tamang gawin ng bansang Switzerland—na ang mga itinatagong yaman ng mga CORRUPT DICTATORS ay dapat isauli sa mga mamamayan na ninakawan nila.
Basahin po ninyo kung paanong naging PROTOTYPE CORRUPT DICTATOR si Marcos. At kung napatalsik ang isang corrupt dictator, na kasing-type ni Marcos sa bansa niya, ayon sa bagong batas nila bunsad ng Marcos experience, tutulong ang Swiss government para maisauli sa bayang pinagnakawan ang assets na itinago sa Switzerland.
Nakakahiya, ano po? Siya ang pasimula sa mga diktador na nailista sa report na ito gaya nina: Montesinos (Peru), Mobutu (former Zaire), Dos Santos (Angola), Abacha (Nigeria), Kazakhstan, Salinas (Mexico), Duvalier (Haiti), Ben Ali (Tunisia), and Mubarak (Egypt).
Switzerland has ‘impressive results’ for return of dictator funds, November 25, 2016
https://www.swissinfo.ch/…/illicit-assets…/42707888