KUNG WALANG NINAKAW, WALANG ISASAULI NA ASSETS, AT WALANG IKUKUMPISAL ANG CRONIES NI MARCOS
By Maria Lourdes Sereno
Ito po ay isang partial na listahan ng mga kasabwat o cronies na nagsauli na ng mga ninakaw na yaman ni Pangulong Marcos at nag-execute ng agreement with PCGG na magko-cooperate sila at isasauli ang lahat ng nakaw na yaman. In exchange, ida-drop yung criminal at civil charges laban sa kanila, at hindi na sila kakasuhan. Mayroon din pong dalawang parang “failed agreements” dito na ini-reklamo ng PCGG. Posibleng may iba pang failed agreements.
Ang mga nasauling assets ng mga ilang cronies na ito ay nasa PCGG na. At ang mga nasauli, ayon sa official reports nila, naibigay na sa DAR para sa mga magsasaka sa ilailim ng Comprehensive Agrarian Reform Program, sa human rights victims, at sa Coconut Levy Trust Fund. Kung may problema kayo sa reports ng PCGG, tanungin niyo po ang mga Commissioners na appointed ni Pangulong Duterte. PhP 174 billion na po ang nabawi ng PCGG, at may PhP 125 billion pang babawiin.
Ang mga descriptions dito ay yung matatagpuan natin sa court records, at sa mga credible sources. Pagtulungan po nating i-kumpleto ito, including yung mga hindi pa natin naisamang pangalan dito sa listahan. Ipost niyo sa comments ang ibang sources upang mabuo pa natin ang mga kwento ng pagsasauli o pangungumpisal ng mga cronies ukol sa nakaw na yaman ng mga Marcos:
1) JOSE YAO CAMPOS:
Nagsauli si Mr. Campos noong 1986 sa PCGG ng real estate properties na nakaw na yaman ng mga Marcos worth P2.5 billion as of 1986 at PhP 250 million in cash. Ang mga real estate properties na isinauli niya na nakaw na yaman ng mga Marcos ay 197 titles representing pieces of real estate property in Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Bataan and Baguio City.
2) ROLANDO GAPUD:
Nagsauli si Mr. Rolando Gapud noong 1987 sa PCGG ng holding companies, agro-industrial ventures and other investments. Hindi ko pa matanto kung magkano ang sinasabing estimated worth ng mga ito. Si Mr. Gapud ang tinatayang financial adviser ni Pangulong Marcos.
May mga New York properties pang isinauli si Mr. Rolando Gapud worth around USD 250 million. Hiwalay po ito doon sa earlier na na-surrender niya.
(3) ANTONIO FLOIRENDO:
Nagsauli si Mr. Antonio Floirendo ng real estate properties sa PCGG estimated to be worth around USD 30 million, PhP 70 million, at USD 653,856.40. Ang mga real estate assets ng mga Marcos na nakaw na yaman, na isinauli ni Antonio Floirendo ay kasama ang isang Beverly Hills California property, ang Lindenmere Estate at ang Olympic Towers sa New York at ang real property listed sa Makiki Heights Drive, Honolulu, Hawaii.
(4) ROBERTO BENEDICTO:
Noon pong 1990, nakipag-kasundo si Roberto Benedicto sa PCGG na isurrender niya ang nakaw na yaman ng mga Marcos worth US$16 million worth of Swiss bank deposits, shares sa 32 corporations kasama na ang 100% ng California Overseas Bank, cash dividends sa ibat ibang kompanya, at 51 porsyento ng kanyang agricultural land holdings.
(5) RAYMUNDO S. FELICIANO:
Nagsauli si Mr. Raymundo S. Feliciano ng shares of stock in Balabac Oil Company worth about P42-M, plus the 60% of the sequestered assets of CDCP in the amount of P172,378,030.
(6) JESUS TANCHANGCO:
Nagsauli po si Mr. Tanchangco ng P10-M sa PCGG.
(7) JOSE DE VENECIA:
Nagsauli si dating Speaker Jose de Venecia ng 45% beneficial ownership ni Marcos sa Landoil.
(8) ANTHONY LEE:
Nagsauli po siya ng shares sa Mountainview Real Estate Corporation noong 1991.
(9) ALEJO GANUT, JR.:
Nagsauli po siya ng PhP 50 million noong 1996.
(10) ANTONIO MARTEL:
Nagsauli po siya ng 4.6 hectare property sa Bacolod City.
(11) ANOS FONACIER:
Matapos na umamin na siya ay crony ni Marcos, at nakakuha ng kasunduan na i-drop ang charges sa kaniya noong 1990s, inireklamo siya ni former PCGG Chairperson Haydee Yorac noong 2001 na niloko niya ang PCGG, pagkat nag-surrender siya ng mga certificates of stocks sa mga korporasyon na nailipat na pala niya sa iba bago niya sinurrender. Hindi ko po alam kung nakasuhan na muli o nagkasundo siya sa PCGG.
(12) MAXIMINO ARGANA:
Siya ang dating Mayor ng Muntinlupa, nakipag-compromise na isasauli niya ang 394 hectares ng lupa sa Laguna in 1997 sa PCGG ayon sa 75/25 na PCGG formula ng hatian ng gobyerno/crony. Pumayag ang PCGG, na-inform ang korte at inaprubahan ang compromise na ito, ngunit pinawalang-bisa ng korte matapos malaman ng PCGG na inoonsehan lang pala ang gobyerno kasi ipapataw ang mga utang sa gobyerno. Kaya lalabas na ang gobyerno ay makakakuha lang ng PhP 3.6 million worth of land, habang ang Argana family ay magre-retain ng ownership of land worth more than PhP 4 billion. Hindi ko po matunton ang karugtong ng kwentong ito.
(13) BALTAZAR AQUINO
Nangumpisal sa Sandiganbayan na inutusan siya ni Marcos na mang-kotong ng 15% commission sa bawat Japanese corporation na bibigyan ng award under the Japanese aid programs na nakalaan para sa mga malalaking infrastructure programs ng bansa, at ideposito ang kotong money na ito sa mga Swiss bank accounts ni Marcos sa Hong Kong.
Sinasabi pong aabot sa 60 personalities ang hinabol ng PCGG, na humahawak ng nakaw na yaman ng mga Marcos. Magtulungan na lang po tayo at bagamat maraming naka-lista ang PCGG na nakapag-compromise na sa kanila, hindi ko po matanto ang mga details ng mga kasunduan nila. Mayroon pa nga po tayong pag-uusapan na mga cronies na hindi mahuli-huli na mabibigat.
Nasa baba po ay link sa 2017 decision ng Korte Suprema kung saan described yung ibang agreements o pag-surrender ng mga cronies ng mga nakaw na yaman ng mga Marcos. Described ito doon sa footnote 13 ng decision. Nandito din ang link ng article sa compromise agreement ng ibang cronies, at ang reklamo ng PCGG sa mga cronies na nakipagkasundo sa PCGG noong panahon ni Haydee Yorac.
2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728