KUNG WALANG NINAKAW, WALANG IKUKUMPISAL ANG KASABWAT

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Marami-rami rin sa mga kasabwat ng mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos ang nangumpisal at nagsauli ng nakaw na yaman sa pamahalaan. Marahil ay magkahalong pagsisisi, takot sa Diyos at sa batas ang nagtulak sa kanila na mangumpisal. Ang pinakauna na nagsauli ng iniingatan niyang nakaw na yaman ng mga Marcos ay ang Filipino-Chinese businessman na si JOSE YAO CAMPOS noong April, 1986.

Ang ginawa po ng mga kasabwat ni Ferdinand Marcos na gustong mangumpisal at magsauli, ay nakipag-usap sila sa PCGG at gumawa ng mga affidavit o sinumpaang-salaysay, at pag tinanggap na ang kanilang “confession” ay nag-surrender sila sa gobyerno ng mga titulo ng lupa, building, shares of stock sa mga kumpanya, o certificate of deposits at equity sa mga bangko.

Ito nga po ang ginawa ni Jose Yao Campos. Lumapit siya sa PCGG at sinumpaan ang katotohanan na itinago niya ang malalaking ari-arian para kay Pangulong Marcos at isinasauli na niya ito sa pamahalaan. Ang PCGG po ay may awtoridad na tanggapin sa ilalim ng batas ang pangungumpisal na ganito. Hindi po itinanggi ng mga Marcos ang pangungumpisal ni Campos, ayon sa court records.

Ganito po ang nasa records ng Supreme Court sa 2017 decision nito:

“The 1991 Petition (Republic of the Philippines petition) sought the recovery of the assets and properties pertaining to the Marcoses, who acquired them directly or indirectly through, or as a result of, the improper or illegal use of funds or properties owned by the government. The properties, subject of other pending forfeiture cases before the Sandiganbayan, were excluded; and the properties, subject of the 1991 Petition, were specifically listed and accordingly clustered into 18 categories.”

Sa footnote 13 ng desisyon ay makikita ang description ng korte sa naisauling mga assets. Isa po sa 18 clustered categories na iyon ay ang mga isinauli ni G. Campos na nakaw na yaman ng mga Marcos. Ito po ang nakalista sa records ng korte:

“Properties held for the Marcoses and surrendered to the Government (through PCGG) as part of the Marcos ill-gotten wealth by his known crony, Mr. Jose Y. Campos, estimated to be about P2.5-B as of April 8, 1986 aside from the P250-M cash as stated in his affidavit and other documents marked as Annexes “C,” “C-1,” to “C-4”, inclusive and hereto attached as integral parts hereof;”

Kung wala pong ninakaw, paano po mag-iissue ng salaysay ng pagkukumpisal at pagsasauli ang crony o dating kasabwat ni Pangulong Marcos na si Jose Yao Campos di po ba? Hindi po sasabihin ni G. Campos na bahagi iyon ng “ill-gotten wealth ng mga Marcos” kung hindi po totoo. Ang laki-laki po ng halaga na isinauli niya—PhP 2.75 billion worth of lands and cash as of 1986.

Nasa poster po sa itaas ang screenshot ng mismong Supreme Court decision sa website nila, kung saan matatagpuan yung tungkol sa Campos confession. Pakibasa po ang orihinal ng kaso dito sa link, para hindi ever makalimutan na may nakaw na yaman ang mga Marcos sa taumbayan. Ilalagay na rin po natin ang dalawa pang links na klarong may nakaw na yaman ang mga Marcos, ayon sa Korte Suprema.

2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728

——————————————
Narito pa po ang other links ng unanimous Supreme Court decisions finding the Marcoses holding ill-gotten wealth:

2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708

2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/54791 

SHARE