KAPAG TAUMBAYAN ANG LUMALABAN
By Maria Lourdes Sereno
Kapag taumbayan ang lumalaban
Pulitikong bulok ay nagtatakbuhan
Naghahanap ng palusot
Makawala sa bagong gusot
Nakompromiso kasi sa Magnanakaw
Na numero uno sa angking takaw
Nakatanggap na, paano isasauli
Promised votes, paano mababali
Alam na nila, long-term ang laban
Sa taumbayang ayaw ng gahaman
Bistado na, bulok nilang pulitika
Na nagpayaman ng kanilang pamilya
Sobrang tagal na, iyak ng Pilipino
Naghahari ang sinungaling na pulitiko
Palayain Mo, o Diyos, bayang naghihirap
Bigyan Mo ng katuparan, aming mga pangarap
Ayan na, ayan na! Nagbabago ang takbo
Simoy ng hangin, sigaw, galaw at aktibo
Ang mga Pilipinong dating tinakot
Paano kung sariling puso nila ang nanghakot
Na magsama-sama, hindi nag-iisa
Tricycle driver, motorcyclists at tindera
Bata, matanda, estudyante at artista
Iisa ang sigaw: Tama Na! Sobra Na!
Panlilinlang ng socmed influencers
Na fulltime papel ay big-time liars
Kapal mang-rebuke, no shame, no morals
Twisted interpretation at hindi biblical
Na: Okay daw na nagnakaw, basta may nagawa
Ang tatay, kaya’t iboto ang nakapagmana
Sa pamilyang ang tanging pinagmamalaki
Apelyidong equivalent sa kleptocracy
Malaki ang nakaw, malaki ang naitago
Kaya’t ganito kahirap ang tunay na pagbabago
Sakripisyo lang tayo, mga kapatid
Paghahari ng kadiliman, ating mapapatid
First, repent, pagkat hindi tama ang pananaw
Forgiveness and justice, dikit na malinaw
Kapatawaran sa nagkasala na willing magbalik
Dapat gaya ni Zaccheus, na tunay na nag-seek
Ng love of God, at kanyang naintindihan
That love of God requires love of kababayan
Ibalik sa bayan, yaman na ninakaw
Upang buhay naman nila ang umapaw
Sa tulong at grasya na orihinal na nilaan
Ng Diyos sa Pilipinong kailangang matulungan
So “No to Nakaw!” at mga kasinungalingan
Sa planong ibalik in full force ang gahaman
Sa halip, ang gobyerno maging ang taumbayan
Magbalik-loob lahat sa Diyos at kabutihan
Standards ng Constititution ang pagnilayan
Salita ng Diyos gawing basehan at sandigan
Wala nang alipin, lahat palayain
Bagong umaga, pagpaguran natin
Kausapin lahat, walang iwanan
Upang iangat, bukas ng kabataan
Walang iiwan, pati dating nalito
Sa dami ng kasinungalingan, sila ay niloko
Ipagdikit-dikit, ipagtahi-tahi
Kabutihan ng Diyos sa kasaysayan at salinlahi.