Philippine Constitution

Kailangang ipanumbalik sa isip ng lahat kung ano ang tama–ayon sa Diyos at sa konstitusyon:

By Maria Lourdes Sereno

1) Na ang taumbayan ang soberenyo at hindi ang mga pinuno sa Pilipinas; ang mga pinuno ay naninilbihan, sumusunod sa konstitusyon at batas at hindi naghahari-harian;

2) Na ang mga “values” ng Pilipino na nakalimbag sa konstitusyon ang pinapairal–ang katuwiran at hindi ang kursunada lang; ang katotohanan at hindi propaganda; ang pagkamarangal at hindi kawalang-dignidad na pagtrato sa kapwa; ang pagpapairal ng batas at hindi malisyosong panggigipit;

3) Wala sa kamay ng mga pinuno ang kapangyarihang magpasya kung sino ang mabubuhay at sino ang mamamatay; kung sino ang makukulong at sino ang makakalaya; na ang nagnakaw ng milyones na opisyal ay makakalaya at ang nagugutom na nagnakaw ng isang latang corned beef ay mabibilanggo; na ang inosente ay matatanggal sa pwesto at ang tiwali ay bibigyan lamang ng bagong pwesto;

4) Sa kapakanan lamang ng taumbayan dapat gastusin ang pera nito, kaya’t dapat putulin ang nakasusuklam na paggamit ng taxpayers’ money ng mga taong ganid sa kapangyarihan at nakaw na yaman.

SHARE