CONSISTENT PO AKO:
HINDI SINASABI NG KAHIT ANONG COURT DECISION NA WALANG NAKAW NA YAMAN ANG PAMILYA MARCOS; IN FACT, MARAMING EBIDENSIYA NG NAKAKALULANG NAKAW NA YAMAN NILA
By Maria Lourdes Sereno
Ang pag-dismiss ng isang ill-gotten wealth case ay hindi clearance para sa mga Marcos sa lahat ng charges sa ibang kaso. At nung hinabla ang mga anak ni Ferdinand Sr. at Imelda Marcos sa alegasyon na inabuso nila ang IBC-13, BBC-2 at RPN-9, De Soleil Apparel, Inc. at PANTRANCO, ang epekto ng dismissal ay hanggang dun lang sa assets na iyun. Walang epekto yung specific dismissal na yun sa dami ng ebidensya ng NAKAW NA YAMAN ng mga Marcos.
Ang kabuuan ng kasaysayan, worldwide, ay unanimous—ISA SA PINAKA-CORRUPT NA REHIMEN ANG PAMILYA MARCOS.
May collective evidence ng pangungulimbat, at may individual evidence of specific acts of corruption. Gaya ng court testimony of pang-kokotong ni Marcos sa Japanese aid money for Filipinos na binansagang MARUKOSU GIWAKU (Jap char here) o MARCOS SCANDAL sa Japanese media, textbook at journal articles. Marami pang specific evidence na ikinumpisal ang 13 kasabwat o cronies ni Marcos.
Dahil consistent ang pagtatanggol ko sa katarungan, kahit pa ang Marcos children mismo ang defendant, kung walang ebidensiya na acceptable sa Rules of Court, kailangang i-dismiss ang kaso sa specific charges na iyun. Ngunit hindi nangangahulugan na wala na silang liability as Marcos estate owners o sa iba pang mga kaso.
Iyan ang epekto ng February 8, 2012 decision ng Supreme Court na isinulat ko as Associate Justice sa kaso ng Republic of the Philippines versus Maria Imelda “Imee” Marcos, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Gregorio Araneta III, Irene Marcos-Araneta, et al. Na-upload kaagad ito for public viewing sa Supreme Court website at never ito natanggal dun. Ang unang media team na nag-report nito ay ang PDI noong February 21, 2012. Never din ito na-reverse. G.R. 171701 ang case number nito.
Na-experience po ni Imee, Bongbong, at Irene Marcos, kung paano maging patas ang isang hukom, na nag-deklarang wala silang liability with their personal assets. Ngunit dahil dapat din akong maging fair sa taumbayan, sinabi kong dahil nasa kamay nila ang Marcos assets as the beneficiaries of the Marcos estate na principal defendant, kailangan pa rin nilang harapin ang kaso ayon sa partisipasyon nila sa Ferdinand Marcos Sr. Estate.
Siguro, by 2014, desperado na talaga ang MARCOS NETWORK na sabihing “cleared” na silang lahat sa lahat ng ill-gotten wealth cases. Kaya’t may lumabas na maling balita sa Manila Standard noong March 2014 na malinis na ang record nila ayon daw sa February 2012 decision na isinulat ko para sa Supreme Court. Nag-object si Supreme Court Chief ng PIO na si Atty. Theodore Te na walang ganung desisyon ang Korte Suprema. Baka nga nakausap ni Atty. Te ang newspaper na ito, gaya ng plano niya, kasi hindi na available ang news article na ito nung tiningnan namin kahapon ang link nito. Nagka-debate nung panahon na iyon between the OSG and the Marcoses’ lawyers kung cleared na nga ba o hindi ng Supreme Court ang Marcos children. Nai-report din ang pangyayari na ito ng PDI.
Pero dahil malisyoso ang ibang grupo ng MARCOS NETWORK, may FAKE NEWS CREATOR na FB page at website na nagsasabing hindi daw na-release ang desisyong ito sa press, at ang mga comments na pinatutunguhan ay bumaligtad daw ako kasi cleared ko na pala daw ang mga Marcoses nung 2012 pa.
Binigyan ko ng due process at fair treatment ang Marcos children sa desisyong isinulat ko. At immediately available ito sa public. Iyan ang GOOD NEWS. At iyan ang dapat ibinalita nila. Hindi kung anu-anong pangbabaluktot ng katotohanan.
Wala po akong choice but to the extent I am enabled, to be fair, just, and consistent. Iyon lang ang nakikita ko from Christ. Siya lang po ang source ng anumang kakayahan ko in these areas. Dasal ko po, mabuwag na ang industriya ng FAKE NEWS CREATORS. Kaya po naghihirap ang mga Pilipino, sila po ang enablers ng mga corrupt.
[ G. R. No. 171701, February 08, 2012 ]
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES PETITIONER, VS. MA. IMELDA “IMEE” R. MARCOS-MANOTOC, FERDINAND “BONGBONG” R. MARCOS, JR., GREGORIO MA. ARANETA III, IRENE R. MARCOS-ARANETA, YEUNG CHUN FAN, YEUNG CHUN HO, YEUNG CHUN KAM, AND PANTRANCO EMPLOYEES ASSOCIATION (PEA)-PTGWO, RESPONDENTS.
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/21716
Supreme Court orders reinstatement of Marcos children in ill-gotten wealth case | Philippine Daily Inquirer | February 21, 2012
https://newsinfo.inquirer.net/…/supreme-court-orders…
Children didn’t help Marcos amass wealth, says lawyer
Philippine Daily Inquirer | May 15, 2014
https://newsinfo.inquirer.net/…/children-didnt-help…
BUSTED: Supreme Court Spokesperson clarifies SC NEVER CLEARED Marcos’ heirs of ill-gotten charges
https://memebuster.net/sc-spokesperson-clarifies-sc…/
SC clarifies 2012 ruling on Marcos ill-gotten wealth case still on its website
March 31, 2014
http://www.philippinestoday.net/archives/14274