GAWIN NATING LOVE LANGUAGE ANG TAMANG PAGBOTO!
By Maria Lourdes Sereno
Sabi nila, ang Gen Z, Millenials, Gen X at Boomers hindi daw nagkakaintindihan. Hmmm; sa ibang bagay, yes. Pero sa isang bagay, iisa lang ang tibok ng puso natin-Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan; Alab ng Puso, sa Dibdib Mo’y Buhay!
Yes, we of all generations, love our country so badly, we ache for the chance to fight for it. So kelangan natin on an urgent basis, to be able to understand each other’s idioms, words, terms, codes. Pag-aralan natin seriously how to talk to each other, para isang kumpas, isang panawagan, isang kinabukasan, isang bayan!
Lets’s start using the love language by voting rightly, and to do that, let’s take the first step.
Nag-register na ba kayong lahat sa household nyo? Young people, download the forms for everyone. Make them fill up the forms correctly! Parents with cars or transpo money, ipag-drive or bigyan lahat ng pera to be able to register. Barkadas, samahan kung sinong dapat samahan sa registration centers!
In a very real sense, love or hate language nating mga Pilipino ang pag-boto! Gawin nating real at hindi surreal (mala-halimaw) ang pagboto natin. Bawat Tamang Boto, Mahalaga!
Gamitin ang links na ito for our practical love steps for Bansang Pilipinas: https://drive.google.com/…/1cAAoQooDOpG3…/view