FORMULA NG MARCOS NETWORK, BISTADO NA PO
By Maria Lourdes Sereno
- Gawing lovable celebrity ang Marcos family. Ultra-charming daw at inapi parang Cinderella. Inggit lang daw kasi maganda si Imelda at mayaman si Ferdinand.
- Imbentuhin ang conspiracy ng buong mundo laban sa mga Marcos–US, World Bank, other countries na pinahiram daw ng ginto ni Marcos Sr., Aquinos, oligarchy, mass media, historians, intellectuals, elite, reds, nuns and priests–lahat daw nag-conspire para mapatalsik si Marcos mula sa Pilipinas.
- Idikit ang word na “dilawan” sa kahit anong kapalpakan para matakot ang mga tao na magpakita ng suporta kay PNoy Aquino o kahit sinong sasalungat sa mga Marcos at Duterte.
- Palabasin na evil widows sina Cory at Leni sa pagkamatay ng asawa nila–wala daw ginawa to get the truth on their deaths.
- Sanayin ang mga supporters sa pangbu-bully ng kahit sinong may contrary view. Huwag mag-hesitate na mag-imbento nang mag-imbento ng istorya. Gawing hyped up at nearly-delirious kung maaari ang intensity ng emotional attachment sa mga narratives ng Marcos network.
May isang kakilala ako na nagmamagandang-loob by sharing an inside story. Kwento niya, for a budget of PhP 10 million, nakahanap yung grupo niya ng 50 influencers, mosty Bisaya-speaking na walang gagawin kundi purihin nang purihin si Duterte in the campaign for the 2016 elections. Effective nga naman, nag-snowball daw at iyun, nanalo nga si P Duterte. Bato lang daw sila nang bato ng materials, blog na nang blog ang mga recruits nila, kahit sa local at regional setting. Dahil sabay-sabay na pumupuri, nag-create itong network nila ng unstoppable momentum. Hindi siya nag-hesitate na aminin na perception lang talaga ang laro nila. Nasa inner circle po siya ng Davao support ni Duterte.
Ang ganitong pananaw ay kailangang pangimbabawan ng genuine people’s campaign na ang pinaglalaban ay katotohanan at katarungan. Ano’ng klaseng bansa ang hinuhubog ng panay imbento at spin? Para na rin tayong may alternate universe gaya ng sa North Korea.