FAITH AND DEMOCRACY ARE COMPATIBLE, THEY ARE PART OF FILIPINO INTEGRAL MISSION

(#1 of Series)

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Sinasabi ng major leaders ng Catholic at Evangelical/Protestant churches, kailangan consistent ang doctrine at practice natin. Otherwise, kaduda-duda ang Christianity natin. Ito ang sinasabi nilang “integral mission” ng Jesus followers, na kailangan may authenticity tayo.

Kaya ang title natin ay “Faith and Democracy” dahil magbibigay tayo ng mga puntos ukol sa demokrasya natin, kasama na ang ukol sa nilalalaman ng ating Konstitusyon.

One of my key messages on SONA DAY was: Mag-usap tayo bilang bayan ukol sa Diyos. Marami Siyang nais para sa Pilipinas, lalo na ang maging isang tunay na “just and humane society.” Yan din naman ang #1 social goal ng Sovereign Filipino People (Preamble, Constitution).

Bakit ko ito nasabi? Dahil Siya ang God of Justice (Micah 6:8) at ang creation of man ay “IN GOD’s IMAGE” (Genesis 1:26-27). Ibig sabihin, napakataas na antas ng tao sa order of creation. Kaya ang humane society, or makataong lipunan, ay exactly in God’s will. At ang humanity na ito, ay dapat pinapanday sa Justice.

This is who we should aim to be as a people of faith, taking the lead in forging a JUST AND HUMANE SOCIETY. Let’s practice integrity in our faith. Let’s read the whole-counsel-of-God, from Genesis to Revelation. 

SHARE