Congratulations, Leyla Fernandez!

Maria Lourdes Sereno

Dear Lord, salamat at pinadalhan Mo kami ng mabuting balita ukol sa tagumpay ng kalahi namin, ang Filipina-Ecuadorian-Canadian na si Leylah Fernandez sa pagpasok niya sa finals ng US Open (world tennis championship). Kamangha-mangha ang kaniyang nakamit–mula sa pagiging #66, sa edad na 19, maaari siyang maging isang world champion sa tennis. Hudyat ito ng pag-asang pinaaabot Mo sa lahing Pilipino, na ang mga bunga ng aming lahi ay maaaring maging tanyag at pinakamahusay sa iba’t ibang larangan. Ito ay hindi upang kami ay magmalaki sa anumang kakayahan, ngunit upang huwag panghinaan ng loob at upang maniwala, na, yes, the Filipino can!

At yes, kaya ng mga Kristiyanong Pilipinong maging kampyon ng tunay na pagbabago dahil nagbalik-loob na sila sa Iyo! Gawin Mo ito, Ama, sa aming lahi, pagkat ito’y ikatatanyag ng Iyong pangalan, na nagbago na ang Pilipinas patungo sa kabutihan. Ito ay kalugud-lugod sa Iyo, Ama, at ayon sa Iyong kagustuhan para sa aming bayan.

Salamat sa ginawa Mo at gagawin pa para kay Leylah. Kung mamarapatin, papanaluhin Mo siya sa Sabado sa US Open Final. At kung mamarapatin Mo, bilisan Mo na Panginoon, ang pagsisisi at pagbabalik-loob sa Iyo ng aming bayan! Gawin Mo rin kaming champions sa pagbabalik-loob at tunay na pagbabago, please, Lord. Thank You po, dear God. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

SHARE