AYON SA DUTERTE GOVERNMENT, HINDI PA HANDA ANG PILIPINAS PARA BUKSAN ANG ISANG NUCLEAR POWER PLANT
By Maria Lourdes Sereno
Magtataka ang sinumang magbabasa ng kasaysayan ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), kung bakit minadali ang pag-award nito noong 1974 sa Westinghouse, at bakit sinimulan ang pag-construct nito noong 1976 kahit hindi pa tapos ang seismic tests sa pagtatayuan ng planta. Kataka-taka din kung bakit parang dagos na pamamaraan ang pagkaka-construct nito. Mukhang hindi idinaan ni Marcos ang desisyon sa isang responsableng checklist para sa isang major project na maaaring ikamatay ng marami kung magkamali ang design, ang pagpili ng site, at ang mismong pag-construct nito. Nag-object pa nga ang kaniyang Executive Secretary sa pag-award ng kontrata sa Westinghouse.
Kailangan ding naisip bago ito ipinatuloy kung anong gagawin sakaling magka-leakage, meltdown, major earthquake o volcanic eruption. Lumalabas na 3 years into the construction lang bago pinatanong nang seryoso ni Marcos ang safety issues ng project. Kaya’t pinahinto niya ang BNPP project until ma-rectify iyung design issues. After that, wala namang konklusyon na safe nga ito, o kaya kung technically at financially feasible pang i-operate. Kung titingnan natin ang timeline, mukhang yung mga alegasyon ng korapsyon sa project na iyan ay lalapat sa paliwanag kung bakit bagamat hindi pa tapos ang mga scientific studies, ay binigyan na ito ng go-ahead ni Marcos. Iyan ang danger ng diktadurya, walang makaka-balanse o makaka-check sa desisyon ng diktador.
Nandoon po sa earlier post ko ang paglatag ng very late na pagtatanong ni Marcos sa safety issues, sa pamamagitan ng LOI 876. At ang conclusion ni Marcos sa LOI 957: “AS DESIGNED, THE BATAAN NUCLEAR PLANT IS NOT SAFE, AND THEREFORE IS A POTENTIAL HAZARD TO THE HEALTH AND SAFETY OF THE PUBLIC.” Nagtataka pa ba tayo kung bakit ang hirap umangat ng bansa? Hindi po ba irresponsible si Marcos, na walang checklist on safety at padalos-dalos lang sa pagsulong ng pinakamalaking project sa bansa, at kung saan ang project cost ng USD 500 million ay lumobo to USD 2 billion, na tayo, at hindi ang mga Marcos, ang nagdusang nagbayad for 31 years?
Sa baba po ang recommendations sa 3 Key Areas sa 2018 checklist na natanggap ng Duterte government noong 2019 mula sa International Atomic Energy Agency (IAEA). Sinabi po ni Secretary Cusi na hindi pa tayo handa para sa full nuclear energy program. As of now, gumagawa pa lang ang Duterte government ng plano. Ikukumpara po natin ang recommendations na ito sa mga hakbang ni Marcos, para ma-assess kung mayroon siyang nasundan na ganitong klase o similar na guideline para siguraduhin ang safety ng public at ang success ng project.
Ang IAEA po ay isang international organization na may expertise upang tulungan ang mga gobyerno, lalo na ang mga developing countries, na mag-assess ng kailangang paghandaan bago magpatayo ng isang nuclear power project. Hiningi po ng Duterte government ang advice nito. Iha-highlight lang po natin yung mga recommendations ng IAEA sa 3 Key Areas na kailangang gawin pa ng gobyerno. Ito po ay Phase I pa lamang, o beginning stages, wala pa po sa mas technical na rekomandasyon ng IAEA.
Rekomendasyon sa 3 Key Areas ng IAEA sa Duterte Government:
PARA SA DUTERTE GOVERNMENT: Palakasin ang partisipasyon ng taumbayan upang makumbinsi ang publiko sa advantages ng nuclear power project. Isama sa diskusyon ang mga issues ng: ownership, financing options, industrial participation, at kung paano idi-dispose ang radioactive waste.
GINAWA SA PANAHON NI MARCOS: Wala pong diskusyon ni ano, kasi diktadurya po ang Marcos government, pati ang mga advice ng Cabinet members niya ay isinantabi. Noon po ay nakikipag-usap na ang Cabinet sa GE, matagal na po ang technical discussions nila. Out of the blue, biglang iniutos ni Marcos na i-award ang kontrata sa Westinghouse. Pilit pa ring nag-object si Secretary Alejandro Melchor, pero walang magawa, kahit nagwa-warning na siya na lumolobo na ang presyo na hinihingi ng Westinghouse.
——–
PARA SA DUTERTE GOVERNMENT: Pagsasabatas ng regulatory framework na makasisiguro ng kaligtasan ng publiko, seguridad ng bansa, at ang hindi pagkalat ng mga elemento na magagamit sa nuclear weapons: kasama na dito ang responsibilidad ng lahat na mai-involve sa project, pati ang mga opisyales na mag-babantay o mag-reregulate nito, pati na ang plano at kapasidad ng mga opisyales na mag-issue ng appropriate rules.
GINAWA SA PANAHON NI MARCOS: Wala pong pagsasabatas ng kailangang regulatory framework. Ang Philippine Atomic Energy Agency (PAEC) ay itinayo noong 1958 para pag-aralan ang pag-promote ng safe at peaceful use ng atomic energy for civil (non-combatant) uses. Ang opinyon po ng kaisa-isang Commissioner ng PAEC noon na si Librado Ibe, ay hindi siya agree sa pagmamadali na construction ng BNPP kung hindi kumpleto ang mga seismic studies, lalo na dahil malapit ito sa isang bulkan, ang Mt. Natib. Kaya’t humingi siya ng tulong sa IAEA at nag-agree sa kanya ang IAEA, na ihinto muna ang construction until matapos ang scientific testing.
——–
PARA SA DUTERTE GOVERNMENT: Kumpletuhin ang studies ukol sa nuclear power feasibility. Kailangang i-develop pa ang human resource at leadership capability ng bansa, kasama na ang safety at security culture sa key organizations. Pag-aralan din ang “nuclear fuel cycle options” at ang impact nito sa electrical grid, dapat ang mga ito ay mas detalyado.
GINAWA SA PANAHON NI MARCOS: Lumalabas na itinuloy ang construction kahit hindi pa tapos ang pag-complete ng seismic tests. Mahaba po ang kwento tungkol sa shoddy workmanship sa BNPP, sa article na nai-link ko dito, pakibasa na lang po.
Pilit ngang isinaisantabi ang pag-complete ng seismic tests sa site sa Bataan at itinuloy ang construction. Nag-disagree po dito ang head ng Philippine Atomic Energy Authority, si Librado Ibe, kaya humingi siya ng tulong sa IAEC, na nag-agree kay Ibe. Ang response po ng kontratista ng Westinghouse ay kailangan mag-apply ng “arm-twisting” kay Ibe:
“Ebasco scrambled to arrange a meeting with the IAEA to argue that the agency should soften the recommendations. But its arguments did not convince the IAEA team. It then tried to persuade Ibe to reject the recommendations and accept the company’s studies as adequate. If Ibe adopted the IAEA’s conclusions, which he seemed inclined to do, he could withhold the construction permit for another year or more while Ebasco and National Power performed further tests. On August 17, Logan, the Ebasco project manager, telexed the company’s chief geologist at his office in Greensboro, North Carolina, saying: ”There is going to be some arm twisting of (the commission) and a great deal less acceptance of treadmill investigatory programs . . .” Logan added that the decision to dispense with the tests recommended by the IAEA and proceed with construction ”may well be politically oriented.”
Ito po ang links sa LOI 876, LOI 957, ang official announcement ng IAEA ng pag-submit nila ng 2018 recommendations sa Duterte government, ang contents ng recommendations nila mismo, ang statement ni Secretary Cusi na hindi pa handa ang Pilipinas para sa full nuclear energy program, at ang nabanggit ko na CNN International/Fortune Magazine article:
https://www.officialgazette.gov.ph/…/letter-of…/
https://www.officialgazette.gov.ph/…/letter-of…/
https://www.iaea.org/…/iaea-delivers-report-on-nuclear…
https://www.iaea.org/…/iaea-reviews-the-philippines…