BAKIT PO KAILANGANG TUTUKAN ANG ILL-GOTTEN WEALTH NG MGA MARCOS?

By Maria Lourdes Sereno

MAY MGA MARCOS SUPPORTERS NA NAG-COMMENT, REQUEST NANG REQUEST, YUN NAMAN DIN DAW TUNGKOL SA MGA AQUINO ANG IPOST KO.

Sa tingin ko, gusto lang talaga nilang ipakita na hindi naman ganun kasama ang panunungkulan ni Marcos, o kaya, ganun ding kasama ang ibang presidente.

Sabi ko po, sige, pag-usapan din natin yung iba. So ganito po ang gagawin natin. Marami-rami na po tayong posts tungkol sa ibang presidente pero parang nasasaktan ang mga kababayan nating supporters ni Marcos Jr. na marami pala silang hindi alam na kabuktutan ni Pangulong Marcos.

Simulan po natin sa isang comparison ukol sa size ng NAKAW NA YAMAN. Gagawa rin po tayo after this ng mga posts na may comparison.

Ito po ang comparison ng mga NABAWING NAKAW NA YAMAN SA MGA PANGULO MULA KAY MARCOS HANGGANG KAY AQUINO PARA WALANG SAMAAN NG LOOB, AT MAKIKITANG EQUAL TREATMENT TAYO.

Maria Lourdes Sereno

Ang nabawi na sa mga Marcos na ill-gotten wealth ay PhP 174 billion. Napunta na ito sa mga magsasaka through DAR, sa human rights victims, at sa Coconut Levy Trust Fund. Ito ay na-recover sa ilalim ng anim na presidente: Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo, Aquino at Duterte. May babawiin pa na P125 billion, ayon sa PCGG Commissioners na appointed ni Duterte.

Masyado pong small-time ang runner-up, si Pangulong Joseph Estrada, less than PhP 1 billion po ang nasabing nakaw na yaman. Yung ibang mga pangulo, wala ni isang kusing ang ibinintang na ninakaw. Yung kaso naman po ng iba ay either hindi nagpatuloy ang pagsampa, o na-dismiss ng korte, gaya ng kaso ni Pangulong Arroyo.

Kaya’t napakalinaw po kung bakit dapat tutukan ang 2 bagay, ayon kay dating Commissioner Haydee Yorac:

(1) buong paglalahad ng nakaw at paghingi ng apology sa taumbayan; at

(2) pagsasauli ng mga natitirang nakaw. Mahalaga aniya iyon, upang hindi magamit ang mga nakaw na yaman pa ng mga taong humahawak nito, kasama na ang mga cronies na hindi pa nangungumpisal at nagsasauli ng yaman.

Maaari rin itong tingnan sa konteksto ng ating pagbuo ng moralidad ng Pilipino. Habang hindi sinasauli ang mga nakaw na yaman, gagamitin at gagamitin ito para pagtakpan o baligtarin ang kasaysayan. Uukitin rin sa isip ng mga kabataan, na okay lang ang magnakaw.

Links po na baka makatulong sa inyo:

▪️2021 PCGG report (Duterte Presidency na) on recovery of Marcos’ ill-gotten assets from 1987 to 2021, at saan napunta:

✔️end-2020: https://drive.google.com/…/1-lnDpi1Zb5yDn9djc9j…/view…

✔️Freedom of Information https://www.foi.gov.ph/…/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbn…

 

▪️Mga Supreme Court final decisions na nagsabing may nakaw na yaman ang mga Marcos:

🔑2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708

🔑2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/54791

🔑2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728
Ito po ang 3rd jewelry collection na na-forfeit na sa government, at mas mahal ang dalawang naunang koleksyon.

 

▪️Ill-Gotten Wealth Act of Republic Act No. 1397 (https://lawphil.net/stat…/repacts/ra1955/ra_1379_1955.html)

▪️News article on Sandiganbayan conviction of Imelda for 7 counts of graft (https://www.nbcnews.com/…/imelda-marcos-convicted-graft…)

▪️News articles on PCGG compromises with Marcos cronies (https://www.rappler.com/…/in…/marcos-cronies-compromise)

▪️News on judgment by US court against Marcos for human rights victims (https://globalnation.inquirer.net/…/marcoses-lose-us…)

▪️News on investigation by Ombudsman of Fidel Ramos government for Clark Expo project (https://www.philstar.com/…/ramos-partially-cleared-expo…)

▪️News on PEA-Amari reported corruption https://www.philstar.com/…/sc-decision-pea-amari-deal…

▪️News article on Sandiganbayan conviction of Joseph Estrada (https://www.gmanetwork.com/…/sandigan-forfeits…/story/)

▪️News article on Supreme Court decision dismissing criminal case against Gloria Arroyo (https://apnews.com/article/31961d192dfe4036bd1afcb94bb83287)

▪️News article on Ombudsman filing of charges against Simeon Benigno Aquino for usurpation of legislative authority (https://www.rappler.com/…/ombudsman-morales-indicts…

SHARE