AYUN NA NGA PO, 5 HOURS PA LANG MULA SA POST KO NA KAILANGANG MAKIPAG-USAP SA MGA INDIBIDWAL ATBP. UKOL SA PAGBUDOL-BUDOL NG NARATIBO NI MARCOS, UMAMIN NA

By Maria Lourdes Sereno

January 14, 2021

Maria Lourdes Sereno

Ayun po, sing-linaw ng pag-inog ng mundo, umamin na ang mga supporters ni Marcos Jr. Ano ang inamin nila? Na basta, mag-abang lang tayo sa eleksyon. Kung paano gagampanin ni Bongbong Marcos ang mga inaasahan nila, wala; wala talagang paliwanag. Ibig sabihin po nun, napakalaki pa ng espasyo para ipaliwanag ang katotohanan — wala nga silang paliwanag sa kanilang persepyon ng realidad, eh.

Ganito po iyon. Sa kakapanood ng mga tao ng YouTube, Facebook at Tiktok videos na peke, nabigyan sila ng napakasarap na emosyon, sensation o feeling na associated sa pangalan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Feeling, sensation at emotion lang po, hindi malaliman o defensible na conviction. Sabi ng isang nakausap ko, I should just watch a certain video series ng isang kilalang loyalist, and it takes a certain maturity, and I will get to understand or like Marcos, Jr. daw. Ang sagot ko —ang kaharap natin ay local at international historical records and court decisions, video ng isang known loyalist ang pang-tapat mo? Saan ang sinasabi mong madi-discover ko na truth? Ano ang “maturity” na sinasabi mo kundi willingness to listen to fantasies na salungat sa proven court at historical records?

Sa advertising po, ang tawag dito ay “hook.” Meron sa subconscious ng mga Pilipino na naabot nila, na kumbaga sa sabon, akala nila mas gaganda sila at mas masarap sa feeling nila kung iyun ang ginamit nila na ina-advertise na brand ng sabon. Maliwanag po na isa itong malakihan at matagalang galawan ng mga advertising, marketing at public relations, communications at creatives people, and the “influencers” na umiikot sa isang narrative.

Paano po babasagin ang “trip” o pantasya ng mga napabilib sa brand ng sabon na iyan? Katotohanan. Katotohanan na ang sabong inaakala nilang magpapakinis ng kanilang kutis ay sumpa pala.

Paano po maipapakita iyon? Kung ang sagot sa inyo po ay “basta”, hintayin mo ang eleksyon, at hindi masabi kung bakit labis ang pag-asa nila na gaganda ang buhay kung galing sa pamilya ng magnanakaw ang magpapatakbo ng bansa, ibig sabihin po, naghihintay na ang kausap mo ng paliwanag.

Ang sinasabi po ng sagot na “basta” o “iyan ang gusto ko eh, respect my opinion” ay, handa siyang sumugal. Sumugal kahit ikapahamak pa niya ang desisyon na iyon. Kalimitan, hindi pa nga niya naitatanong kung ikapapahamak ba ng mga apo niya ang “basta-basta” na natipuhan niya.

Sa ganitong uri ng argumento o pag-iisip, napakadaming dahilan ang maaaring iharap kung bakit ngayon ang pinakamasamang tiyempo na sumugal sa susunod na pangulo:
▪️Pandemya na nakamamatay ng libu-libo
▪️Kawalan ng trabaho
▪️Utang na ilang dekada bago mabayaran
▪️Napipintong pagtataas ng buwis
▪️Kawalan ng direksyon at moralidad sa lipunan
▪️Bumabagsak na antas ng edukasyon sa bansa, at
▪️Dumadaming malalang kalamidad sa bansa.

Kung sumarap man ang pakiramdan nila nung nanood sila ng Marcos videos, dapat nang harapin nila ang mga tanong na tunay na mahalaga sa buhay:

1) Bakit paniniwalaan ng sinuman ang mga pangakong ang pagiging anak ni Ferdinand Marcos Sr. ang susi sa pag-ayos ng mga problemang ginawa o pinabigat ng ama nila?

2) Ano ang napakalaking napagtagumpayan ni Marcos Jr. upang magkaroon siya ng basehan na kaya niyang pagtagumpayan ang higit pang malalaking problemang haharapin sa bansa?

Ang napatunayan lang ng mga eredero ni Marcos ay ang husay nilang magtago ng nakaw na yaman ng kanilang magulang, ang katigasan ng puso nila sa pagtanggi na higit sa 11,000 victims ang Marcos Martial Law, at ang galing ng myth-making talent sa pamilya at kaalyado nila upang dalhin ang bansa sa nagbubukang bangin ng kapahamakan. Wala akong nakikitang redeeming value na gusto nilang itayo sa pagtakbo nila sa national elections, puwera lamang yung para sa kanila.

🎥 ANG DAHILAN NG MGA MARCOS SA PAGTAKBO SA PULITIKA AYON MISMO KINA IMELDA, IMEE AT SANDRO MARCOS:

SHARE