SA HALIP NA TURUAN AT PALAKASIN NG CHURCH LEADERS ANG PAGKILATIS NG TAMA AT MALI, ANG IBANG MGA CHURCH LEADERS PA MISMO ANG PASIMUNO SA “AH, BASTA, SUMUNOD KAYO SA NAPILI KO!”

Nakakalungkot at alam na po natin, na kaduda-duda ang mga “pastor” o church leaders na kung tanungin ng kapwa pastol o ng kasapi kung bakit ang partikular na kandidato ay itinutulak o iboboto niya, ang sagot na lamang ay: “Basta, respect na lang, brod,” at sa miyembro naman ay: “Siya ang anointed” o “napanaginipan ko na sinabi ni Lord sa akin na siya ang The One” o kaya, “Ah, basta.”

Sunday Reflections

Salamat, Panginoon, sa katatagan ng loob at kalinawan ng pag-iisip na ibinibigay mo sa lahat ng nais sumunod sa Iyong Salita. Salamat sa mga nagdesisyon na hinding-hindi na magbibingi-bingihan sa tawag ng katarungan at katotohanan sa aming bansa.

Bakit Siya? Ah Basta!

Ang sagot na: “Ah, basta! Respect na lang!” sa tanong ng isang kaibigan kung bakit mo napili ang isang kandidato ay, kung tutuusin, bastos.

SA KRISTIYANONG UMIIYAK NA, SANA, #IntegralFaith at #TugmaLahat SA WORD AND CHARACTER OF GOD ANG STAND NG CHURCH LEADERS AT KA-MIYEMBRO, ANG POST NA ITO AY PARA SA IYO

KAIBIGAN, manalig ka na ang Diyos natin ay nagpe-preserve at magpaparami pa ng mga mananampalataya na hahanapin ang complete teachings ng Bible at hindi selective lang — iyong mga umiiyak sa panalangin upang ang character ni God at ang Kanyang Kingdom values ang makita sa lipunan. HINDI KA NAG-IISA, friend, maraming kagaya mo, at dadami pa ang katulad mo, na ang innermost desire ay:

“God’s kingdom come, God’s will be done, on earth as it is in heaven” (Matthew 6:9-13, Luke 11:2-4)

ANG KULTO NG RELIHIYON AT PULITIKA

Ang kulto ng relihiyon at pulitika ay malaking pwersa ng kadiliman sa ating bansa. Ano ang preaching natin sa Sunday upang ang bansa natin ay makawala mula sa pagkagapi sa combined forces ng cults and bad politics? Kapag isinusulong natin ang twisted interpretation ng Romans 13:1-2, hindi ba ang mas pinapalakas natin ay ang mga kulto na sunod lang nang sunod sa leader, kahit evil na ang ipinapagawa? Bakit takot na takot ang ibang mga religious leaders na sabihin na dapat ay sa katotohanan lang tayo manindigan as Jesus said? Ayon kay Jesus, sa katotohanan dapat nagsisimula ang pag-seek ng freedom. “You shall know the truth, and the truth shall set you free” (John 8:32).

TRADITIONAL POLITICS NA KAILANGANG BALIGTARIN NG TAUMBAYAN—ANG “TOP-DOWN POLITICS”

This time, baligtarin natin ang history ng bad politics sa bansa, #TaumbayanNaman na gusto na ang pamamahala sa bansa ay #TugmaLahat ang masusunod. Ngunit mangyayari lamang ito, kung directly na bawat isa sa atin ay mananalangin, magsasalita, aaksyon, at kakausapin ang dapat kausapin. Tama po, #BawatIsaMahalaga! Padayon! Laban lang para sa Katotohanan at Kabutihan!