AYON SA DUTERTE GOVERNMENT, HINDI PA HANDA ANG PILIPINAS PARA BUKSAN ANG ISANG NUCLEAR POWER PLANT

Magtataka ang sinumang magbabasa ng kasaysayan ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), kung bakit minadali ang pag-award nito noong 1974 sa Westinghouse, at bakit sinimulan ang pag-construct nito noong 1976 kahit hindi pa tapos ang seismic tests sa pagtatayuan ng planta. Kataka-taka din kung bakit parang dagos na pamamaraan ang pagkaka-construct nito. Mukhang hindi idinaan ni Marcos ang desisyon sa isang responsableng checklist para sa isang major project na maaaring ikamatay ng marami kung magkamali ang design, ang pagpili ng site, at ang mismong pag-construct nito. Nag-object pa nga ang kaniyang Executive Secretary sa pag-award ng kontrata sa Westinghouse.

32 YEARS OLD LANG SI MARCOS NOONG 1949, FAKE PO YUNG SINASABING RICHEST MAN IN THE WORLD NA SIYA KASAMA NG ISANG FR. DIAZ, AT HUWAG PO KAYONG UMASA NA MAY IPAMUMUDMOD NA TALLANO GOLD

Marami pong kumakalat na kwento sa socmed na noong 1949, si Ferdinand Marcos Sr. at si Fr. Diaz ang two richest men in the world dahil sa Tallano gold. Sa unang tingin pa lang, malinaw na kasinungalingan iyan. Noong 1949 po, 32 years old pa lang si Marcos! Obvious po, na purong imbento iyan. Ngunit kailangan po nating i-debunk ito publicly para huwag nang umasa ang mga taumbayan na ipamimigay daw yung Tallano gold, lalo na kung manalo si Bongbong Marcos sa pagka-Pangulo. Upang tanggalin ang maling expectation, na isang form of manipulation, dapat po si Bongbong Marcos mismo ang mag-deny sa kwentong iyan. Asang-asa po ang iba sa instant financial package na akala nilang matatanggap nila.

SA BIBLE PO, HINDI PAGTATAKIP NG KASALANAN SA BAYAN AT BASTA-BASTA “MOVE ON NA” ANG APPROACH NI LORD

Wala kang mababasa sa Bible na, “move on na lang, ang tagal na nun.” In fact, noong time ni King David, hindi kinalimutan ni Lord ang pag-break ni dating King Saul ng treaty o kasunduan ni Joshua with the Gibeonites. Ang tagal na nung kasalanan ni King Saul, ngunit kinailangan pang si David ay gumawa ng paraan para mag-sorry sa Gibeonites bago nila malagpasan ang punishment na ginawad ni Lord (2 Samuel 21).

KUNG WALANG NINAKAW, WALANG IKUKUMPISAL ANG KASABWAT

Ang ginawa po ng mga kasabwat ni Ferdinand Marcos na gustong mangumpisal at magsauli, ay nakipag-usap sila sa PCGG at gumawa ng mga affidavit o sinumpaang-salaysay, at pag tinanggap na ang kanilang “confession” ay nag-surrender sila sa gobyerno ng mga titulo ng lupa, building, shares of stock sa mga kumpanya, o certificate of deposits at equity sa mga bangko.