AT LEAST 13 CRONIES NA ANG NANGUMPISAL SA PAGNANAKAW NI MARCOS, AT 5 COURT DECISIONS NA (3 SA PILIPINAS, 1 SA UNITED STATES, AT 1 SA SWITZERLAND) ANG NAGHATOL NA GALING SA CRIMINALITY O NAKAW ANG MALAKING BAHAGI NG YAMAN NG MGA MARCOS
By Maria Lourdes Sereno
Sa isang post ay inilista na natin ang at least 13 kasabwat o cronies ni Marcos ang nangumpisal at nangakong magbabalik o kaya ay nagbalik na nga ng nakaw na yaman ni Marcos sa Pilipinas. Pakibasa po at nasa link ko ang mga detalye sa pangungumpisal ng mga kasabwat ng mga Marcos. Ito po ang names ng mga nakitaan natin sa opisyal na mga dokumento o public announcements (mula sa Supreme Court, Sandiganbayan at PCGG), na mga nangumpisal: JOSE YAO CAMPOS, ROLANDO GAPUD, JESUS TANCHANGCO, JOSE DE VENECIA, ANTONIO FLOIRENDO, ROBERTO BENEDICTO, ANTHONY LEE, ALEJO GANUT, JR., ANOS FONACIER, MAXIMO AGANA, ANTONIO MARTEL, RAYMUNDO S. FELICIANO, BALTAZAR AQUINO. Mayroon pa pong ibang mga cronies na mas malaki ang inaakalang kinamkam na mga nakaw na yaman, kasabwat ni Marcos. Gaya nina Lucio Tan, Danding Cojuangco, Herminio Disini, atbp., ngunit binabasa ko pa po ang mga dokumento tungkol sa kanila, kaya hindi ko pa po naiikwento dito ang aking mga nabasa.
Ang pangungumpisal ng cronies ay kasingbigat ng mga court decisions na nagsasabing galing sa nakaw na yaman o ilegalidad ang nakamkam ng mga Marcos. Imagine niyo po, at least 13 na ang nagsabi na huwag lamang silang ipakulong, ay magsasauli sila at tutulong sa gobyerno na bawiin ang mga ninakaw ng mga Marcos na nasa kanilang kamay, o tutulong sila sa pagsisiwalat ng iba pang gawain ng pagkamkam ng mga Marcos.
Ito naman po ang at least 5 final court decisions galing sa iba’t ibang bansa, na nagsasabing nangulimbat si Marcos ng kaban ng bayan o kaya ay ilegal ang pinanggalingan o ill-gotten ang kaniyang yaman. Kailangan ko pa pong dagdagan later ang mga desisyon ng Sandiganbayan. Ipapaliwanag ko rin po kung bakit ang ibang mga kaso ukol sa ill-gotten wealth ay na-dismiss ng mga korte, at kung bakit, NI ISA SA MGA DISMISSAL NA ITO, AY HINDI NAGSABING WALANG NINAKAW ANG MGA MARCOS.
Ito po ang limang desisyong nagpapatibay sa KONKLUSYON NA NAGNAKAW ANG MGA MARCOS:
New Jersey, United States (September 13, 1986).
Nag-award ng mahigit na USD 1.3 million dollars ang korte ng New Jersey, pabor sa Philippine government dahil sa ebidensya na ang mga pondo na natagpuan ng Philippine government sa isang bangko sa New Jersey, pati na ang isang building dito ay galing sa nakaw na yaman ng mga Marcos. Ito ang statement ng korte ayon sa mga diyaryo sa America:
“The judge, Paul G. Levy, sitting in the Chancery Division, said evidence provide(d) by the Aquino Government ”proved without any doubt that the monies recovered and property involved belong” to the Philippines.”
In Tagalog po: Sabi ni Judge Paul G. Levy, ng Chancery Division (ng State of New Jersey, United States), na ang ebidensiya na ibinigay ng pamahalaan ni Pangulong Aquino ay “nagpatunay, walang kaduda-duda, na ang mga pera at ari-arian na pinag-uusapan ay ari-arian ng Pilipinas (at hindi kina Marcos).
Federal Supreme Court of Switzerland (December 1997).
Ito po ang official statement ng Federal Office of Justice ng Switzerland:
“The Marcos case began in 1986 when the Federal Council ordered bank accounts to be frozen. In 1990, the Swiss Federal Supreme Court approved the handover to the Philippines of bank documents relating to the Marcos family, but ruled that the actual return of assets would be conditional upon a final and absolute judgment by a Philippine court. In 1997, the Court established that the majority of the Marcos foundation assets were of criminal origin and permitted their transfer to a escrow account in Manila, even though no Philippine court ruling had yet been issued.”
Tatlong Final Supreme Court decisions na nagsasabing nakaw na yaman ng mga Marcos ang mafo-forfeit nila:
2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708
2012 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG ARELMA ACCOUNT SA SINGAPORE NA ESTIMATED TO BE USD 3,369,975 AS OF 1983 PLUS ALL INTEREST, NA KINE-CLAIM NG MGA MARCOSES KASI ITO AY NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/54791
2017 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG JEWELRY COLLECTION NI IMELDA MARCOS WORTH AT LEAST USD 150,000 DAHIL ITO AY ILL-GOTTEN O NAKAW NA YAMAN
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/62728
In 1986, US Court judge returned to the Philippines more than $1.3 million in bank accounts and New Jersey real estate obtained for deposed President Ferdinand E. Marcos with money allegedly stolen from the Philippine treasury.
https://www.latimes.com/…/la-xpm-1986-09-13-mn-11697…
MANILA WINS RULING IN JERSEY ON MARCOS ESTATE AND CASH
https://www.nytimes.com/…/manila-wins-ruling-in-jersey…
In 1997, the Federal Supreme Court of Switzerland established that the majority of the Marcos foundation assets were of criminal origin and permitted their transfer to an escrow account in Manila.
https://www.bj.admin.ch/…/akt…/news/2003/2003-08-05.html
SWISS FEDERAL OFFICE OF JUSTICE STATEMENT
https://apnews.com/article/c07b7891fc6bb9d738b1b436f572866f