Ano po ang Maaaring Higher Purposes ng Concession at Acceptance Speeches?

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

May mga episodes sa history na ang isang concession speech ay nakatulong nang husto upang mabuo muli ang consensus sa bayan. Maaari rin itong maging paalala sa mga lofty dreams ng bayan na kailangang pagtuunan ng bagong administrasyon. On the other hand, ang response naman ng nanalo ay maaaring magdulot ng paghilom ng sugat o sa halip ay pagdiin nito sa mga lumaban ngunit nabigo sa eleksyon, pati na sa nararamdaman ng mga supporters nito.

Itinataas ko ngayon sa Panginoon na ang mga paunang speeches nina BBM at Leni Robredo matapos ang official proclamation o concession ay magpapataas ng bayang Pilipinas at hindi lalong magpapabagsak nito. Naalala ko ang mga pagpapalang ipinapangako ng Panginoon sa bayang tunay na nagsisisi at tumatalikod sa kanilang kasalanan. At sa mga nanalo nga dahil sa dayaan, magpakumbaba pa rin sa Diyos at tahakin ang daan ng pagsisisi at pagbabago.

Unang-una kong hiling sa Diyos, na maputol na ang industriya ng kasinungalingan. Pangalawa, na hustisya ang tunay na manaig sa mga institusyon ng Republika. Ipagdasal natin ang mas malakas na kumpas ng mabuting pamumuno. Samahan niyo po ako at ilagay niyo po sa comments ang mga hihilingin natin bilang komunidad at bayan sa Diyos.

SHARE