ANO ANG EPEKTO NG GALAW SA ICC SA MAY 2022 ELECTIONS AND BEYOND?

By Maria Lourdes Sereno

Dahil sinusumpaang-tungkulin ng bawat lingkod-bayan ang pagtataguyod ng Konstitusyon at mga batas, obligasyon nilang lahat na makipag-cooperate sa ICC. Itatak po natin sa ating isipan na ang International Criminal Court ay itinatag ng mga bansa, kasama ng Pilipinas, dahil ayaw na nating maulit ang nangyari sa World War II mass murders na pinangunahan ni Adolf Hitler.

Ang mga naniniwala rin po sa mga katotohanan ng Bibliya ay nakakaintindi na may mga masasamang consequences ang pag-violate ng oath natin. At ito ay lalong matindi kung ang pangako natin ay protektahan ang ating kapwa. Ibig sabihin, from being our brothers’ keeper as we are required to be, sa pagtalikod sa ganitong pangako, pumapayag tayo sa pagpaslang ng ating mga kapatid.

Kapag humingi na formally ng entry permit sa Pilipinas ang ICC Prosecutor’s team, at tinanggihan ito ng gobyerno, ibig sabihin ang mga ahente ng taumbayan ay hahadlangan ang katotohanan at nanakawan ng katarungan ang mga namatayan. Ang mga mananampalataya na sumasang-ayon dito ay accountable to God for being on the side of the murders and injustice.

 

Philippine Constitution

Kung ang isang kandidato ay nanalo, o kaya ay current government official, at siya ay pormal na maakusahan ng ICC Prosecutor na suspect, at mag-i-issue ng warrant of arrest ang ICC against him, napakabigat at kahiya-hiyang pasanin ng taumbayan at ng buong pamahalaan ang mag-imbento ng lahat ng dahilan kung bakit sila lalabag sa nilagdaang kasunduan to surrender the suspect. Dahil ba kapwa-Pilipino? Ungodly nationalism po iyan, sapagkat sa Bible, even families and tribes were required to surrender family and tribe members who brought God’s judgment on the nation. Misplaced pride and defensiveness po iyan. Kahit mali at libu-libo ang namatay, ipagtatanggol pa rin. Clearly, wala pong fear of God ang ganyang attitude.

Uukilkilin tayo ng ating kunsyensya and everywhere we or our officials go, ang kutya sa atin ay: “Nasaan na ang international fugitive na itinatago niyo?” “Hihingi kayo ng saklolo sa international community, tatalikod rin pala kayo!” The best thing is to prove the defenses of the suspects frontally, hindi pailalim at hindi patago.

At kung ang suspect na iyon ay kamag-anak, o napangakuan ng proteksyon ng high-level official, ang burden sa gobyerno at sa public funds, ng kakatago at kakadepensa ng ICC suspect na yon ay mabigat. Mantakin niyo ilang taong hahanap ang government ng samu’t saring paraan para hindi harapin ang sakdal? Imagine niyo po, ano ang itsura ng bansa natin sa mata ng mga bansa na concerned sa pagpigil ng crimes against humanity? Imagine niyo po si Lord, na magtatanong sa atin, why did we protect the workers of wickedness?

SHARE