Skip to content
HOME
ABOUT
BLOGS
Philippine Constitution and Laws
Integral Faith
Philippine History
Interviews
Testimonials
Election Issues
Special Messages
CONTACT
HOME
ABOUT
BLOGS
Philippine Constitution and Laws
Integral Faith
Philippine History
Interviews
Testimonials
Election Issues
Special Messages
CONTACT
Search
Ang Sampung Tuntunin at Prinsipyo sa Pagboto
Halaw mula sa Bibliya at sa Konstitusyon
Orihinal na likha ni Maria Lourdes Sereno
Isinalin sa wikang Kapampangan ni Kragi Garcia
Ang Sampung Tuntunin at Prinsipyo sa Pagboto Halaw mula sa Bibliya at sa Konstitusyon
Mahalin ninyo ang inyong bansa higit sa inyong sarili. Iisa lamang ito, at ito ang magiging kanlungan o kaparusahan sa inyong mga kaapo-apuhan ayon sa kung matino o hindi ang inyong pagboto.
Ipinagkatiwala sa lahat ng mga Pilipino ang bayang ito. Ang bawat tumatawag sa kanyang sarili ng Kristiyano ay higit na may katungkulang makilahok. Ang pagtakas sa katungkulang itayo sa katuwiran ang bayang ito ay isang pagtataksil sa ating bayan, at sa atas ng Diyos na hindi tayo dapat maghuhumpay sa paggawa ng mabuti, kasama na ang kabutihan na manggagaling sa pagluklok ng mabubuting pinuno.
Sagrado ang bawat boto pagkat hindi matatawaran ang iyong pagkatao. Hindi lamang ito hudyat ng pagkatao ng botante, ito rin ay sumasalamin sa halaga na ibinibigay niya sa kaniyang sarili. Ang halaga ba ng tao ay limang piso lang kada araw kung sakaling tumanggap siya ng P5,000 pesos para iboto ang isang magsisilbi ng 1,000 days of a 3-year term?
Ang eleksyon ay bukod-tanging paraan upang palitan ang maraming mga abusado, ganid, tamad at walang kuwentang namumuno, at palitan ng mga taong huwaran sa pag-uugali, kakayahan, sipag at katapangan. Minsan lamang tuwing tatlong taon natin masisingil ang maraming tiwali sa iba’t ibang antas ng pamahalaan, at makita ang bagong uri ng mga mabubuting papalit sa kanila. Kaya’t seryosohin at sipagan ang pag-ambag sa makabuluhang eleksyon.
Ang mga masasama ay gagawin lahat ng kasamaan upang manalo, kaya’t ang panalangin, pagmatyag, pagbuklod at pagtutol at pagpigil sa masasamang plano ay kailangang pinaghahandaan at gagampanan. Ang mga mananampalataya ay kinakailangang “smart” or “wise” as a serpent, yung hindi madaling malinlang. Described sa Bibliya ang masasama na walang-patid na nagplo-plot ng kasamaan, kaya’t dapat mag-pray, mag-fast at mag-strategize ang mabubuti in order to thwart evil.
Bantayan ang lakas ng advertisement, troll army at pagpapamudmod ng pera. Ibuko sila at huwag matakot na sabihing lahat ng iyon ay alingasaw ng kabuktutan. Pag-usapan ng malakas at paulit-ulit sa lahat ng larangan ang kasamaan ng paggamit ng troll army at talunin ito ng talino at dasal. Pag nakita niyong may troll, i-block kaagad, huwag ninyo silang hayaang kumita ni isang kusing.
Magsumbong sa lahat ng media at COMELEC ukol sa pang-aabuso sa mga resources ng bayan, hayaang umalingawngaw ang reklamo ng bayan. Ang paggamit ng pera ng bayan, mga tauhan at kagamitan ng pamahalaan, na bawal sa pangangampanyang politikal ay bantayan, ito ay labag sa batas, kaya’t sipagang magbuo ng mga bayaning citizens’ watch groups kontra sa dayaan.
Gaya ng mga Bereans, siyasatin ang lahat ng binibigkas, kinikilos, minumungkahi, pakikitungo at pananamit ng bawat kandidato. Sapagkat ayon sa kanilang bunga ay doon makikita ang anyo ng kanilang puso. Ang pagboto ay panahon na nangangailangan ng kabuuan ng ating talino at lakas. Hindi biru-biro ang kapangyarihang ipinahihiram natin sa mga mananalo, pagkat ang kakayanan nilang lumustay ng kaban ng bayan at lalong magpahirap sa ating buhay ay malinaw, kaya’t gamitin ang suyod upang makita kung ang mga kandidato nga ay peligro o kakampi ng bayan.
Ang pagkawagi ay nasa nagtiyatiyaga. Walang mainam na malalasahang kanin kung hindi buong tiyagang aararuhin ang lupa, ipupunla at didiligan ang mga binhi at aanihin ng buong ingat ang mga palay. Sa mahaba at matiyagang labanan, wala dapat aatras, pagkat iyan lamang ang paraan upang itaguyod muli ang bayan.
Diyos lamang ang ating sandigan, at Siya ang magbibigay sa atin ng Kaniyang tagumpay. Isang katotohanan ang kailangan nating yakapin–na bagamat buong puso nating ibibigay ang sarili sa gawain ng pagpapalaganap ng makabuluhang pagboto, sa bandang huli, ang ating pag-asa ay nasa Diyos; sa simula ng ating gawain, hanggang sa huling sandali nito. Laging itaas ang kamay at puso sa papuri at pasasalamat sa Diyos na nagmamahal sa ating bayan, na Siya ring magbibigay sa atin ng hustisya.
SHARE
Tagged
cj sereno
maria lourdes sereno
tugmalahat