Ang Role po ng Church ay Pangalagaan ang mga Madaling Maaapi sa Lipunan
By Maria Lourdes Sereno
Ang mga mananampalataya ay dapat na sumasailalim sa mga katuruan kung paano ipagpatuloy ang misyon ni Jesus Christ dito sa mundo. Ang misyon na ito ay sinambit ni Jesus at makikita rin natin sa Luke 4:18-19:
“The Spirt of the Lord is upon me, for He has anointed Me, to preach the gospel to the poor; He has sent Me to heal the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives and recovery of sight to the blind, to set at liberty those who are oppressed; to proclaim the acceptable year of the Lord.”
Iyan po ay nanggaling mismo sa bibig ng ating Panginoong Hesus. Kung hindi po nakatuon dito ang puso ng mga mananampalataya at ang programa ng mga churches, ibig sabihin po, baka misaligned po tayo from the will and ways of God.
I-examine po natin isa-isa itong aspects ng ministry ni Jesus. Ang “gospel” po ay “good news.”
Ano po ang balitang ikinalulugod ng mahihirap?
- Na sila ay makakaahon sa kahirapan? Na sila ay hindi na paglalaruan ng mga makapangyarihan sa lipunan?
- Na sila ay tinitingnan na gawa sa imahe ng Panginoong Diyos kaya dapat kilalanin ang kanilang halaga at pagkakapantay sa kapwa?
- Na walang hari-harian sa lipunan, kundi pati sila, bahagi ng Sovereign Filipino People na magtatatag ng “just and humane society” ayon sa Konstitusyon?
- Na gagawin natin ang role natin as “brothers’ keepers” upang mabawasan ang kahirapan sa bansa?
Kung nais nating tumulong sa mahihirap, merong mga truths na dapat nating i-proclaim o ipahayag bilang isang bayan.
Sa Bibliya, madiin ang condemnation sa mga powerful na mapang-api. Wala kang makikitang totoong propeta na ang ginamit na paraan ay pagsipsip, pag-appease o pagiging enabler ng mga makapangyarihan para matulungan ang mga inaapi. Whether gently or strongly, they proclaimed God’s standards of justice.