Ang Pangkalahatang Opinyon sa mga Marcos
Nang nilatag natin ang assessment ni Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew na kawatan si Marcos at siya (si Marcos ), ang cronies niya at si Imelda ang nagpabagsak — “pillage of the country” ang term niya. Nilimas ang kaban ng bayan, nilubog tayo sa utang.
Nailabas na rin natin ang pangalan at detalye ng 13 cronies ni Marcos na nangumpisal at nagsauli ng nakaw na yaman ng mga Marcos. Ang iba ay nagtestigo na nga sa mga korte.
Nagkasundo na rin ang mga korte sa US, Switzerland, Singapore at Pilipinas ukol sa katotohanan na may nakakalulang nakaw na yaman ang mga Marcos.
Nagbago na ang Japanese official development assistance rules dahil sa nabuking na pangkokotong ng 15% ni Marcos sa bawat proyekto.
Ang Switzerland at international banking rules ay kinailangang baguhin upang hindi na maulit ang pagtatago ng nakaw na yaman na ginawa ng mga Marcos.
Ang United Nations ay nagsimulang mag-draft ng rules against corruption dahil sa experience ng buong mundo kay Marcos.
Pati ang Estados Unidos ay kinailangang i-review ang foreign policy nila na sumusuporta sa mga diktador basta’t anti-communist dahil kay Marcos. Dahil napahiya ang Estados Unidos nang nagka-bistuhan na malalang magnanakaw pala ang sinuportahan nila sa Pilipinas.
Ang laki ng impact, ano po? Isang salaysay na consistent sa labas ng Pilipinas at hindi nagbabago since 1986 ukol sa bansa natin, at sa loob naman ng bansa natin ay mga historical distortions mula sa fake videos, websites, at vlogs na kabaligtaran ang pinapalabas.
Doon nga sa posts ko sa sinabi ni Lee Kuan Yew na kawatan si Marcos, pati ang dating Prime Minister ng Singapore ay ina-attack ng mga supporters ni Marcos Jr. Ang mga bashing nila: inggit lang daw si PM LKY kay Marcos, hindi daw niya alam ang pinagsasabi niya, at admirer pa nga daw siya ni Marcos noon. Ang hirap i-describe ang thinking ng mga bashers ng Father of Singapore. Samantalang gustong-gusto naman nilang sabihin na kung hindi napaalis si Marcos ay Singapore na daw tayo ngayon. Ang gulo ng logic nila, di ba?
Paano tayo haharap sa mundo sa kahihiyang ito? Ilang mga kababayan pa mismo natin ang nagbabaluktot ng kasaysayan.