Philippine History

MGA KAIBIGAN, ANG PAGTATAGUYOD NG PILIPINAS AY UKOL SA PAGTUTOK NATIN SA SOCIAL GOAL NG ISANG MAKATARUNGAN AT MAKATAONG LIPUNAN

Hindi ito ukol sa away ng dalawang pamilya. Iyan ang ipinapalabas ng mga propagandists, na ang lahat ay personal na gantihan lang. Iangat po natin ang bayan mula sa ganitong naratibo.

Nang dumagsa ang milyun-milyong mga Pilipino sa EDSA, hindi nila ginawa iyon para sa pamilya Aquino bagamat binigyan sila ng bukod-tanging papel sa kasaysayan ng bansa. At bagamat marami sa mga lumahok sa EDSA ay sumigaw na wakasan na ang pamumuno ni Marcos, marami din doon ang walang naisip na paghihiganti sa mga Marcos. At bukod kay Enrile at grupo ni Honasan, hindi pangarap ng mga taong nag-alay ng sarili sa EDSA ang magkamit ng kapangyarihan sa gobyerno. Ang gusto lang ng lahat ay katarungan. -Maria Lourdes Sereno

SHARE