ANG MGA BOTHERED SA CONSCIENCE NILA SA EVIL NA NANGYAYARI, PERO HINDI KUMIKIBO AY PARANG SI MISS AMELIA

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Ano naman ang masasabi mo sa nakababatang kapatid ni Miss Minchin na si Amelia, o Miss Amelia? Lagi na lang, “Opo, Ate,” “Opo, Ate.”

Ayaw niya yung ginagawang pang-aapi kay Princess Sarah, pero wala siyang ginagawa para ipagtanggol yung bata. Adult siya, kaya niyang magstand-up against wrong kung ginusto niya. Pero dahil takot, insecure, o baka selfish din kasi convenience lang niya ang pinaka-importante, hinayaan niyang apihin si Sarah ng mahabang panahon.

Until, yun na nga. Ang potential super-gatasan nila na si Princess Sarah ay na-restore sa kanyang yaman at tinanggal sa boarding school ni Miss Minchin. Doon lang nag-meltdown si Amelia, then sinisi at inaway si Miss Minchin. Pero, para ano pa? Hindi na babalik si Sarah, at hindi na mababawi ang kalupitan ng ate niya sa bata. Nakahinga man si Amelia sa outburst niya, mali pa rin sya, at alam nya yun. Palagi nga namang nasa huli ang pagsisisi.

Parang ganun din ang mga Pilipino na walang-kibo sa kasamaan–mga enablers rin sila ng mga Miss Minchin na pulitiko, dahil hinayaan nila ang evil mag-prevail for a very long time.

In one sense, same effect din ang maging Miss Amelia at ang maging Miss Minchin–evil is not stopped when it should be.

Don’t be an Amelia to a Miss Minchin. Do your part to stop evil now. Say to every evil act as loudly as you can: TAMA NA! SUKDULAN NA! Magsama-sama tayo sa panalangin, pananalita, at pagkilos!

By the way, bawal sa Kristiyano ang magwalang-kibo gaya ni Amelia sa mga kasamaan ng mga Miss Minchins. Salt ang light nga dapat, di ba?

#magpaREHISTRO
#BUMOTO
#BawatTamangBotoMahalaga

SHARE